Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Lopez

Ashley Lopez, bagong putahe sa mundo ng sexy movies

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Ashley Lopez sa aabangan sa VMX app (dating Vivamax) na tiyak na magpapainit nang todo sa kamalayan ng maraming barako.

Maituturing na bagong putahe sa mundo ng sexy movies si Ashley. Matagal din siyang ‘pinahinog’ muna ng manager niyang si Jojo Veloso bago isinalang sa sexy movies.

First time na mapapanood si Ashley sa VMX movie titled Malagkit. Dito nga unang nabinyagan ang newbie actress sa maiinit na eksena ng lampungan at hubaran.

Nagkuwento siya hinggil sa kanilang pelikula.

Wika ni Ashley, “Sexy-comedy po ito na may halong drama sa huli. Sobrang wild po ng project na ito kaya kaabang-abang talaga.”

Aniya, “Si Mindy ang role ko po rito, isang girl on her 20s na galing Manila and fiancé po niya si Renald na gagampanan ni Ace Toledo.

“Bago sila magpakasal ay gusto ni Mindy na maranasan ang buhay mahirap kaya kinontak niya si Che (Lea Bernabe), na dati niyang yaya. Si Che ay nagdesisyon na tumira sa probinsya nang mapangasawa niya si Aldrus (VJ Vera) at doon sila nagtinda ng biko.”

Nabanggit din niya kung bakit Malagkit ang title ng kanilang pelikula.

“Malagkit po ang title dahil bukod sa pagtitinda ng biko ay malalagkit din po ang mga eksena na talaga namang wild at aabangan ng viewers.”

So, double meaning din pala bale ang title nito? “Yes po, hehehe,” nakatawang sambit pa ni Ashley.

Aminado rin siyang magkahalo ang naramdaman sa pagsabak sa mga nakakikiliting love scenes sa pelikulang ito ni Direk Bobby Bonifacio, Jr.

“Yes po, first project ko po ito, kaya kinakabahan ako na nae-excite po. Lahat po ng sinabi sa akin ni direk Bobby na gawin ko like manood ng movie na The Wicked, pag-aralan ko raw po paano magsalita si Ariana Grande, palitan ang iba sa script na mas madadalian ako… lahat po ‘yun ginawa ko. Kaya naniniwala ako na masosolb ang viewers ng Malagkit,” wika ni Ashley.

Noong una ay parang nagdadalawang isip siyang magpa-sexy, paano nagbago ang kanyang isip?

“Opo, noong una ay ayaw ko po talagang maghubad. Pero dumating nga po ito, ‘inofferan’ po ako ni Boss Vic ng mga project at nag-advice rin po sa akin ang mga kaibigan ko. Kaya po ako nandito ngayon at ‘di ko po pinagsisisihan na nagpa-sexy po ako sa pelikula.”

Ano ang masasabi niya kay Direk Bobby?

“Napakagaling na direktor po ni Direk Bobby at binibigyan niya po kami ng guide kung paano talaga i-act iyong mga character namin sa movie,” pahayag pa ni Ashley.

Nalaman din namin kay Ashley na ang Malagkit ay mapapanood na sa VMX sa March 7 at may kasunod na agad siyang project na si direk Bobby din ang direktor at ito’y pinamagatang Angelica’s Heart (Tibok).

If tatawagin siyang sexy star o hubadera, mao-offend ba siya?

Tugon ni Ashley, “Hindi po ako maoo-offend dahil trabaho ko po ito at matagal ko na po talagang pangarap maging artista.

“Kung iyon po ang gusto nilang itawag sa akin ay okay lang po. Opinyon po nila ‘yon pero as long as wala po akong tinatapakan na tao, hindi ko po ikahihiya na tawagin akong sexy star or hubadera,” pakli niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …