Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alexis Castro Bulacan PNP

Nagdulot ng panic sa Bulakeños  
NAGPASKIL NG FAKE NEWS SA SOCMED IPINATAWAG NG BISE GOBERNADOR

021525 Hataw Frontpage

NANAWAGAN si Bulacan Vice Governor Alexis C. Castro sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang pagsubaybay at pagberipika ng impormasyon bilang tugon sa nakaaalarmang mga paskil na kumakalat sa social media na nagdulot ng panic sa mga residente ng Bulacan.

Ipinatawag ni Castro ang Committee on Peace and Order at ang Committee on Communications, Information Technology, and Mass Media para sa isang pagdinig noong Huwebes, 13 Pebrero, na ginanap sa Benigno S. Aquino, Jr., Presidential Palace Hall sa Kapitolyo, Lungsod ng Malolos, Bulacan, ang mga indibiduwal na sangkot sa nasabing pagkalat ng maling impormasyon.

Ayon kay Castro, marami sa mga post ang walang beripikasyon o kompirmasyon mula sa pulisya o kahit sa mga opisyal ng ahensiya ng gobyerno.

Aniya, bagama’t mahalaga ang kamalayan ng publiko, ang pagkalat ng pekeng balita o hindi beripikadong impormasyon ay may malubhang kahihinatnan na maaaring humantong sa takot, poot, maling akusasyon, o galit sa ating komunidad.

Si Vien Arceo mula sa Brgy. Poblacion sa Pulilan, ay inimbitahan sa pagdinig matapos niyang magpaskil ng thread sa Facebook na may banner na nagsasabing, “We are not safe in Bulacan,” na umani ng mahigit 5,000 likes.

Maging si Christian Daet, kalihim ng Brgy. Taliptip sa Bulakan, ay inimbitahan din sa pagdinig matapos maglathala ng post sa sariling Facebook page na nagsasalaysay ng hold-up incident sa kanilang lugar.

Ang mga post na ito, bagama’t inilaan para sa pampublikong kamalayan, ngunit hindi ganap na naberipika ay nagdulot ng alarma sa publiko, ayon kay Bulacan-PNP Provincial Director PCol. Satur L. Ediong.

Ayon kay Ediong, nang beripikahin ang iba’t ibang krimen na sinasabi sa mga posts ay nalaman nila na hindi ito totoo at karamihan ay ‘for content; lamang.

Kaugnay nito ay binigyang-diin ng opisyal ang pagsisikap ng Bulacan Provincial Police Office (PPO) sa pagsugpo sa antas ng krimen sa lalawigan at pinatingkad ang kanilang epektibong kampanya laban sa “motorcycle hijack”, white van kidnapping narratives, at hold-upping incidents.

Dagdag ni Ediong, isa sa mga agresibong aksiyon ng Bulacan police ay ang pagbawi sa mga miyembro ng Criminal Gang na sangkot sa iba’t ibang krimen tulad ng gun for hire, gun- running, robbery hold-up at iba pa.

Kamakailan ay naaresto sina Raymond Lorenzana y Orolfo, pinuno ng Lorenzana Criminal Gang at si Arnold Fernando y Gonzales, pinuno ng Fernando Criminal Gang.

Bukod dito, binigyang-diin ni Castro ang ilan sa mga batas na maaaring isampa laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon kabilang ang Article 154 ng Revised Penal Code of the Philippines o ang Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances, Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012, at ang Special Laws on False Information o Republic Act 10951 – Amendment to the Revised Penal Code.

Pahayag niya sa mga kababayan, tandaan na ang maling impormasyon ay maaaring maging banta sa buhay kaya huwag maging biktima ng maling balita at tumulong na isulong ang katotohanan, hindi ang kabaliktaran. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …