Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bigas NBI Bocaue Bulacan

‘Modus’ sa Bocaue bistado ng NBI  
IMBAK NA LUMANG BIGAS PLUS HALONG VARIETY AT PABANGONG PANDAN EQUALS PREMIUM RICE

ni MICKA BAUTISTA

NADISKUBRE ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang bodega sa Bocaue, Bulacan na nag-iimbak at nagbebenta ng mga luma at imported na bigas na itinago bilang premium-grade grain.

Tumambad sa mga ahente ng NBI ang tambak ng mga imported na bigas na nakaimbak nang hindi bababa sa dalawang taon, kasama ang mga kagamitan na ginagamit sa paghahalo ng mga varieties at pagdaragdag ng artipisyal na halimuyak upang maipasa ang mga ito bilang de-kalidad na bigas.

Ayon kay NBI Chief Jaime Santiago, pinaghahalo-halo ang variety ng bigas at pagkatapos ay lalagyan ng konting pabango tulad ng pandan saka ipapasa bilang mamahaling bigas o Class-A na bigas.

Dagpag ng opisyal, tandisang panloloko ito sa mamamayan dahil puro alikabok na ang mga sako at makikita na ito ay clear manifestation ng hoarding kaya napakadelikado at hindi na safe pang kainin ng tao, o para sa baboy na lang.

Inihayag ni NBI STF and CDD Chief Atty. Jeremy Lotoc, iniimbestigahan din nila kung legal ang mga nakuha ng iba’t ibang variety ng bigas na mayroong galing sa ibang bansa tulad ng Vietnam, Pakistan, at India na pinaghahalo at ang resulta ay premium rice.

Itinanggi ng isang opisyal ng kompanya ang akusasyon laban sa kanila samantala sinabi ni Santiago na makikipag-ugnayan sila sa mga lokal na awtoridad ng Bocaue upang matukoy ang may-ari ng warehouse at magsampa ng mga kaso para sa hoarding, adulteration, profiteering, false labeling, at economic sabotage.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …