Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Healthy Quezon City, isinulong ni Mayor Joy B.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HEALTHY Quezon City? Yes, in tagalog ay malusog na lungsod. Iyan ang isinusulong ni QC Mayor Joy Belmonte para sa QCitizens at mga bisita ng lungsod.

Pero teka, hindi ba malusog naman na ang Quezon City – yes, malusog na malusog sa pondo at kung hindi nga tayo nagkakamali, ang lungsod ang pinakamayaman na siyudad sa Metro Manila.

Tama ka riyan…at sa kalusugan ng pondo ay napakarami nitong programa kung saan ang beneficiaries ay ang QCitizens.

Pero kalusugan sa pondo ba ang ating tinutukoy? Hindi, sa halip, ang kalusugan ng mamamayan. Hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman na marami ang nakalilimot sa kanilang kalusugan – walang pakialam kung makolesterol at makaloris ang kinakain, basta ang mahalaga ay mabusog at makain ang kinatinatakamang pagkain kaya lang…hayun, atake sa puso o pagtaas ng blood pressure/blood sugar ang inabot.

Mabuti naman at pinangangalagaan at pinahahalagaan ni Mayor Joy B ang kalusugan ng mga taga-QC. E sa paanong paraan naman?

Inobliga ni Mayor Joy B ang mga restoran sa lungsod na isasama na sa menu ang calorie counts ng mga pagkain. Wow, okay iyan ha. Malaki ang maitulong nito sa kalusugan…tiyak na bababa na ang bilang ng aatakehin sa puso sanhi ng pagtaas ng blooad sugar at blood pressure.

Pinirmahan na ng alkalde ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa city’s calorie labeling ordinance. Mag-uumpisa ito sa December 2025 — ang mga resto na may limang sangay o higit pa ay obligadong ilagay sa kanilang menu ang calorie counts ng mga pagkain, bilang bahagi ng first phase ng implementasyon.

Sinabi ng Alkalde, ang calorie labeling ay makatutulong sa pagbibigay ng impormasyon sa  QCitizens kaugnay sa calorie content ng kanilang kakainin.

“Sa pamamagitan ng hakbang na ito, mas magiging empowered na ang ating mga residente dahil kapag may calorie count labels na sa mga menu ng mga restaurant, may kapangyarihan ang QCitizen na pumili ng masustansiyang pagkain. Dahil sa tamang impormasyon, maisusulong din natin ang isang lungsod na prayoridad ang pangangalaga sa kalusugan. (With this step, our residents will be more empowered. When calorie labels are available on restaurant menus, QCitizens will have the power to choose healthier food options. With the right information, we can also promote a city that prioritizes health and nutrition),” pahayag ni Mayor Belmonte.

Magandang ehemplo itong programa ng QC-LGU, lalo sa panahon ngayon, wala nang pakialam ang nakararami sa kanilang kinakain, basta’t masarap sige…pero iyon pala ay napakataas na ng calories nito sanhi ng pagtaas din ng cholesterol at blood sugar.

Madame Joy B, iba ka talaga…basta’t para sa QCitizens ay gagawin mong lahat. Ikaw na! (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …