Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
D Bodies Next Gen

D’ Bodies: Next Gen ng WaterPlus Productions, aariba na!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA kami sa naging judge sa search for D’ Bodies: Next Gen, recently.

Isa itong P-pop female group na inaasahang kikiliti sa inahinasyon ng madlang pipol kapag formal nang nai-launch few weeks from now ang grupo na handog ng WaterPlus Productions ni ex-mayor and film producer na si  Marynette Gamboa.  

Aariba na nga ang D’ Bodies: Next Gen very soon at base sa nakita namin, talagang salang-sala ang nine ladies na kokompleto sa grupo na isa kami sa mapalad na naging guest judge sa third Saturday ng kanilang talent search na ginagawa every Saturday sa Sct. Gandia in Quezon City.

Ibang klase ang level at standard ng kanilang talent na hinahanap – na dapat ay may beauty, magaling sumayaw, marunong kumanta, at dapat ay ‘marunong mangiliti’ sa masa dahil sila ang bubuhay ng “kiliti” song composed by Boy Christopher, who also poses as one of the judges din dito.

Nakasama namin dito bilang mga ang award-winning actor-director Efren Reyes, Jr., film director-writer Armand Reyes, ang WaterPlus producer Marynette Gamboa, vlogger-entertainment writer na si Benny Andaya, Beauty Guru Renee Lao, na sa pagkaka-alam namin ay isang salon owner din, at ang entertainment writer-director Obette Serrano, no less.

Bale si Direk Obette ang nakatokang tumutok sa paghubog sa mga talented na kabataang ito para maging karapat-dapat na member ng grupo.

After 22 years ay muling binuhay ng lady producer ang controversial na grupo na sumikat noong 2003 dahil sa nakakakiliti nilang indayog at kagandahan.

Mas malaking suwerte ang nakatalaga at naghihintay sa lulusot sa lucky 9 D’ Bodies: Next Gen dahil aside from recording career at travel experience ay pasok din sila sa mga pelikula ng WaterPlus Productions.

Ngayon pa lang, nakatitiyak na ang grupo na lumipad patungong Thailand na ipalalabas ang pelikulang ‘IDOL: The April Boy Regino Story’ na magkakaroon din sila ng concert dito. Aside pa ito sa European premieres ng pelikula.

Anyway, kilala ang WaterPlus sa magarbong promotion kaya asahan na natin kung gaano gumawa ng ingay ang original D’ Bodies. Kaya siguradong hindi lang ingay ang gagawin ng D’ Bodies: Next Gen sa K-Pop nilang galawan at boses na puwedeng pang Tawag ng Tanghalan!

Sabi nga ni katotong Benny Andaya ng Euro TV nang nakasabay kong maging judge, kayang makipagbardagulan ng grupo! ‘Ay, teka, huwag dyan! May kiliti ako dyan!.’

Ayon naman sa lady boss ng WaterPlus na si Ms. Marynette, niluluto na ang second movie ng kanilang production. Plus, gagawa rin sila ng mga short film at mga concert, kaya masuwerte talaga ang eventually ay mapipiling member ng P-pop female group na ito.   

Balita rin namin, patuloy pa rin sila ng paghahanap ng mga talent at mayroon din second and third batch ang D’ Bodies: Next Gen.

Kaya sa mga young ladies na magaganda, sexy, may talent sa pagsasayaw, pagkanta, at pag-acting, abangan ang announcements sa FB page ng WaterPlus Productions dahil baka ito na ang inyong pinakahihintay na chance na makapasok sa mundo ng showbiz at maging isang sikat na celebrity.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …