Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Magde-deliver ng tsongki Rider nasabat sa COMELEC checkpoint

Magde-deliver ng ‘tsongki’
Rider nasabat sa COMELEC checkpoint

NAHARANG ng pulisya na nagmamando ng checkpoint ang isang rider na maghahatid ng marijuana sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 26 Enero.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Voltaire Rivera, hepe ng Sta. Maria MPS, habang nagsasagawa ang kaniyang mga tauhan ng COMELEC Checkpoint ay pinara nila ang suspek na kinilalang si alyas John dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Habang kinukuha ng suspek ang mga kinauukulang dokumento sa compartment ng motorsiklo nito ay tumambad sa mga operatiba ang sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang marijuana.

Agad inaresto ang suspek at inimpormahan ng kaniyang paglabag sa RA 4136 at RA 9165 at sinabihan ng kanyang Miranda rights.

Napag-alamang ang dalang marijuana ng suspek ay ihahatid sa mga user sa ilang bayan sa Bulacan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Maria MPS ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, habang isinumite ang mga kompiskadong ebidensiya sa Crime Laboratory para sa forensic examination. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …