
HATAW News Team
SUGATAN ang hindi bababa sa 17 katao, kabilang ang dalawang driver ng bus, nang magkabanggaan ang tatlong bus sa bahagi ng EDSA-Balintawak Carousel Busway sa Brgy, Balingasa, lungsod Quezon, nitong Biyernes ng hapon, 10 Enero.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), binabagtas ng tatlong bus ang busway patungong EDSA nang maganap ang insidente dakong 1:10 pm.
Ayon sa pulisya, nabangga ng unahang bahagi ng bus na minamaneho ni Jobert Incocencio ang likuran ng bus na minamaneho ni Alejandro Gabonilas.
Dahil sa lakas ng pagbangga, umusad ang bus ni Gabonilla at bumangga sa bus na minamaneho ni Edward Laririt.
Ayon sa mga ulat, nawalan ng preno ang bus na minamaneho ni Incocencio, dahilan upang bumangga sa sasakyang nasa harapan nito.
Sugatan sina Gabonilas at Incocencio, at ang 15 iba pang mga pasahero.
Agad nagresponde ang mga tauhan ng Philippine Red Cross – Quezon City Chapter at isinugod ang mga sugatang pasahero sa pinakamalapit na pagamutan upang mabigyan ng atensiyong medikal.
Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng QCPD ang insidente.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com