Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
P46-M puslit na ukay-ukay nakompiska sa Bulacan

P46-M puslit na ukay-ukay nakompiska sa Bulacan

MATAGUMPAY na naisagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 (RFU 3), sa pakikipagtulungan ng PRO 3 at Bulacan Police Provincial Office, ang dalawang magkahiwalay na operasyon sa ilalim ng Oplan Megashopper sa Meycayayan City, Bulacan kamakalawa.

Naging target ng operasyon ang mga ilegal na bodega sa naturang lungsod na sangkot sa pagpupuslit ng mga used clothes, na karaniwang kilala bilang ukay-ukay.

Kinilala ni acting CIDG Director PBGeneral Nicolas D. Torre III ang arestadong suspek na si alyas Shawn Liang, at tatlong iba pa, na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 4653 (Batas na Nagbabawal sa Komersiyal na Pag-aangkat ng mga Artikulo sa Tela na Karaniwang Kilala bilang Mga Gamit na Damit at Trapo).

Sa operasyon, nakompiska ng mga awtoridad ang isang unit ng Isuzu truck, samot-saring dokumento ng negosyo, 23,614 bundles ng sari-saring gamit na imported na damit (ukay-ukay), passport, at identification card.

Ayon kay PB General Torre III, ang kabuuang tinatayang halaga ng mga nakompiskang bagay ay umaabot nang P46 milyon.

Ang mga naarestong suspek at nakompiskang ebidensiya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG RFU 3 para sa tamang dokumentasyon at karagdagang legal na aksiyon.

Binanggit ni PBGeneral Torre III na ang mga ganitong operasyon ay patunay ng kanilang dedikasyon sa paglaban sa mga krimen na sumisira sa ekonomiya ng bansa at patuloy aniya silang magbabantay para masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Filipino. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …