Friday , January 10 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, pero kakaiba ang Quezon City – Local Government Unit (QC-LGU) sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte. Bakit naman? Huwag mong sabihin na hanggang ngayon ay namamahagi pa ng pamasko si Mayor Joy?

Tama ka!  Kahit hindi na Pasko ay patuloy  sa pamimigay ng aginaldo ang LGU sa milyong QCitizens. Kakaiba talaga ang most awarded local government sa National Capital Region, maging sa buong bansa.

Kung sa bagay, noon pa man ay araw-araw ang Pasko sa QC dahil laging may ‘regalo’ si Mayor Joy sa kanyang konstituwent – pabahay, libreng lote, iba’t ibang klase ng ayuda, micro-business, tulong negosyo sa single parents. Hindi lang ito kung hindi marami pang iba.

E ano naman ang pinakahuling regalo ni Mayor Joy gayong tapos na ang Pasko at Bagong Taon na? Walong  (8) electric bus “eBus” lang naman na malaking tulong sa QCitizens sa araw-araw na pagpasok sa trabaho.

Ang eBus ay may 41-seating capacity at may sapat na espasyo para mapaunlakan ang standing passengers. Mayroon din wheelchair ramps ito para sa PWD. Bawat yunit ay may handrails, fire suppression at  emergency equipment, CCTV cameras, at  smart televisions.

Ang electric QCity Buses ay pagsuporta ng LGU sa Republic Act No. 11697 mas kilala sa “Electric Vehicle Industry Development Act or EVIDA Law”.

“The city government is steadfast in its promise to promote environmentally friendly programs and policies. The official roll out of our electric QCity buses solidifies our commitment and dedication to environmental sustainability by transitioning to reusable energy,”  pahayag ni Mayor Joy.

Ang paggamit ng ebus ng QC-LGU ay pagsuporta sa pagbaba ng greenhouse gas emissions ng 30% sa taong 2030.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng taga-QC na may libreng sakay ang LGU para sa kanila… at heto nga, dinagdagan pa ito ng walong  eBus… eco-friendly pa.

Katunayan, nitong Enero 2 ay umarangkada na ang 8 eBus sa paghahatid-sunod sa milyong QCitizens. Libre po ito ha…at ang eBus ay biyaheng QC hall papuntang Cubao (vice versa). Ang mga sasakyan ay dagdag na masasakyan sa ilalim ng QC Bus Libreng Sakay Program  ng QC-LGU.

Ang QC LGU Libreng Sakay ay nagsimula pa noong 2020 – panahon ng pandemya at patuloy ang serbisyo hanggang sa kasalukuyan.

Hayan, napakasuwerteng QCitizens sa kanilang alkalde… ‘ika nga ng kanta… “kahit na hindi Pasko ay magbigayan”. Ganyan talaga ang QC-LGU, inuuna ang kapakanan ng milyong residente ng lungsod.

“The project is aligned with the city government’s commitment to implement the Enhanced Local Climate Change Action Plan of Quezon City 2021-2050,” pahayag pa ni Mayor Joy. (30)

About Almar Danguilan

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …