Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
My Future You Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth

Francine Diaz at Seth Fedelin matinding magpakilig, tampok sa MMFF entry na “My Future You”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA sa official entry sa darating na 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25 ang pelikulang My Future You. Handog ng Regal Entertrainment Inc., ito ay pinagbibidahan nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Sa mga nakakakita sa kanila, specially sa presscon ng pelikulang My Future You na ginanap sa 38 Valencia Events Place, siguradong marami ang kinikilig sa dalawa, lalo na iyong fans nila. Sa naturang event ay game na nag-holding hands ang dalawa habang sumasagot sa mga tanong ng media.

Aminado sina Francine at Seth na ang kanilang pagiging close friends sa ngayon ay maaaring mag-level up daw.

Seryosong pahayag ni Seth, “Magiging totoo lang po ako, may possibility naman talaga dahil palagi kaming magkasama sa trabaho. Pero magiging totoo rin po ako, sa lahat ng pinagdaanan din po namin ni Francine, priority po namin iyong trabaho po namin. Lalo na sa panahon ngayon…”

“Trabaho namin, pamilya namin, pag-aaral. And siguro, ‘yung friendship na mayroon kami ni Francine, mas naggo-grow siya. Nandoon na ako sa tipo na kaya ko na siyang protektahan,” pagtitiyak ni Seth.

Nakangiting sambit naman ni Francine, “Kasi po best friends kami, so it’s really nice po talaga to have someone na nandiyan para protektahan ka.

“Ganoon din naman po ako sa kanya, iyon lang po, ayaw ko lang pong pahabain, kasi, sa amin na lang iyon,” nakatawang wika pa ng aktres.

Nang natanong kung natagpuan na ba nila ang kanyang “future” sinabi ni Seth na, “Malapit na.”

Nang sundutin ng tanong kung si Francine ba ito, agad namang nag-agree ang aktor.

Paliwanag niya, “Hindi na ako lalayo pero may isang pangako lang ako na dapat kong tuparin, iyong pangako ko sa magulang ni Francine.

“Alam naman po natin na hindi biro ang samahan namin. Hindi biro na bawiin ang tiwala ng mga magulang ni Francine. Hindi po biro ang pinagdaanan ko na makaabot dito. Na nahahawakan ko iyong kamay ni Francine.”

Pagpapatuloy pa ni Seth, “Iyon na lang ang kailangan kong gawin para masabi ko na nandito na siya. So, anong kailangan ko? Lakas ng loob, paninindigan, tapang, respeto, pagmamahal… At iyon ang mga bagay na hindi mo makukuha nang isang araw, isang buwan.

“Kasi malaking pogi points kapag kakampi mo ang magulang, e. Malaking pogi points kapag mahal ako ng magulang.”

Pakli naman ni Francine bilang reaksiyon, “Totoo po, kung nasaan kami ngayon ay hindi po namin ito 

minadali talaga.”

Sinabi rin ng aktres na malaking tulong sa career niya ang love team nila ni Seth.

Aniya, “Ako na nasa loveteam ngayon, masaya ako sa ginagawa ko, masaya ako with Seth at sa team na mayroon kami. Ako talaga naniniwala na noong nag-start ako, hindi ko naman makita iyong sarili ko na kaya ko nang mag-isa, e.

“I’m happy sa mga na-partner sa akin noon before, especially with Seth now, because I can say na tinulungan din nila ako to get here kung nasaan man ako ngayon. Malaki ang parte nila roon, hindi ba?”

Sa romantic comedy na My Future You, makikita ang kuwento ng dalawang estranghero na mula sa magkaibang panahon na nagtagpo sa pamamagitan ng isang dating app.

Mula sa produksiyon ng Regal Entertainment at sa direksiyon ni Crisanto Aquino, tampok din sa pelikula sina Almira Muhlach, Christian Vasquez, Peewee O’Hara, Bodjie Pascua, Mosang, Izzy Canillo, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …