NASAKOTE sa walang humpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng ang 23 indibidwal na pawang may paglabag sa batas hanggang nitong Linggo, 24 Nobyrembre.
Ayon sa ulat na isinumite kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, unang nadakip ng tracker team ng Obando MPS ang isang 60-anyos na lalaki na nakatala bilang Top 2 most wanted person sa municipal level sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasunod na naaresto ng mga tauhan ng San Miguel MPS 31-anyos na suspek na nakatalang Top 1 most wanted person sa municipal level sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610.
Gayundin, sunod-sunod na nadakip ang 10 suspek sa magkakahiwalay na manhunt operations na isinagawa ng mga tracker team ng Meycauayan, San Jose del Monte, Malolos, Pulilan, Pandi, Sta. Maria, Malolos, San Ildefonso C/MPS at Bulacan 2nd PMFC.
Kasalukuyang nasa nasa kustodiya ng kani-kanilang mga arresting unit ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.
Samantala, naaresto ang siyam na drug suspect sa iba’t ibang buybust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Plaridel, San Jose del Monte, Obando C/MPS at Bulacan Provincial Intelligence Unit.
Nakumpiska sa mga operasyon ang kabuuang 17 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P72,012, at buybust money.
Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)