Thursday , April 17 2025
PNP PRO3

Police presence pinaigting sa Gitnang Luzon, police outposts idinagdag para sa seguridad

PINAIGTING pa ngayon ng PRO3 PNP ang kanilang presensiya sa buong rehiyon sa ilalim ng kautusan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Redrico Maranan alisunod sa kaniyang anti-criminality formula na Enhanced Police Presence + Quick Response Time + Counter Action against Drug groups, Criminal gangs at Private Armed groups = Safe Region 3.

Ipinag-utos ni P/BGen. Maranan ang paglalagay ng mga police outposts sa matataong lugar at mga highways na kalimitang dinaraan ng mga tao upang mas mabilis na masugpo ang mga krimeng maaaring maganap sa iba’t ibang parte ng komunidad gayondin ang agarang pagresponde at pagtugon ng mga pulis sa  iba’t ibang pangangailangan ng mga mamamayan sa mga insidenteng kinakailangan ng agarang tulong ng pulisya.

Inatasan ni P/BGen. Maranan ang lahat ng Provincial, City at Municipal Police Stations na palakasin ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad gaya ng Oplan Galugad, Oplan Sita, gayondin ang kanilang Motorcycle Patrols lalo na ang pagsasagawa ng mga checkpoint operations upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang mga kawatan na maisakatuparan ang kanilang mga ilegal na gawain.

               “Kung malakas ang presensiya ng pulisya sa mga pampublikong lugar, nakatitiyak ang mga komunidad na sila’y ligtas. Kung kaya naman patuloy kong hinihimok ang ating publiko na suportahan ang pulisya sa aming mga programa at gawain kontra-kriminalidad. Hindi namin ito mapagtatagumpayang mag-isa at kailangan namin ang suporta ng lahat,” pahayag ng PRO3 regional director.

Dagdag ni P/BGen. Maranan, masusing binabantayan ang mga pulis na nakatalaga sa mga police outposts sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin at naglabas din siya ng direktiba na ang mahuhuli na wala sa kanyang outpost ay mananagot. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …