Tuesday , April 15 2025
Sa Nueva Ecija 2 TULAK, KASABUWAT DINAKMA SA DRUG DEN

Sa Nueva Ecija
2 TULAK, KASABUWAT DINAKMA SA DRUG DEN

ARESTADO ang tatlong indibiduwal, kabilang ang dalawang target-listed drug peddlers, sa loob ng isang makeshift drug den sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Camp Tinio, lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija, nitong Linggo, 10 Nobyembre.

Kinilala ng PDEA Nueva Ecija ng mga nadakip na target-listed personalities na sina Kalvin Jerome Nicolas, 33 anyos; Edward Tan, 34 anyos; at kanilang kasabwat na si Mark Bryan Macapagal , 35 anyos, pawang mga residente sa nabanggit na barangay.

Nakompiska ng operating team ang kabuuang 10 piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng 12 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P81,600; iba’t ibang drug paraphernalia; at buybust money.

Dinala ang mga nakompiskang illegal substance sa PDEA RO III laboratory upang sumailalim sa quantitative at qualitative examinations, habang ang mga naarestong suspek ay pansamantalang ikukulong sa PDEA jail facility sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.  (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …