DALA ng bagyong Kristine, nakasama ang Bulacan bilang isa sa mga apektadong lalawigan sa Luzon at isa sa mga lalawigang humarap sa makabuluhang hamon ng panahon.
Bilang tugon, ang SM Supermalls at SM Foundation Inc., sa pamamagitan ng Operation Tulong Express (OPTE) program ay nagpasimula ng serye ng relief operations para magbigay ng agarang tulong sa mga komunidad na apektado ng bagyo sa probinsiya.
Umikot ang relief operations na isinagawa ng SM City Marilao sa hindi bababa sa apat na barangay sa bayan, kabilang ang Ibayo, Nagbalon, Poblacion 1, at Poblacion 2.
May kabuuang 1,000 benepisaryo sa naturang bayan ang nabigyan ng tulong sa kani-kanilang relief na ipinamahagi nitong 28-29 Oktubre.
Samantalang sa Lungsod ng Baliwag, dalawang barangay ang nakatanggap ng relief packs noong 29 Oktubre.
Sa pinagsamang pagsisikap ng mga boluntaryo mula sa SM City Baliwag at sa tulong ng rescue team mula sa bawat barangay, may kabuuang 300 pamilya ang nabigyan ng tulong sa mga lugar tulad ng Concepcion at Tibag.
Ang SM Center Pulilan naman ay nagsagawa ng pamamahagi ng relief packs sa Barangay Poblacion noong 31 Oktubre, na nakinabang ang hindi bababa sa 150 pamilya sa bayan.
Ang OPTE, isang social good initiative ng SM Foundation sa pakikipagtulungan sa SM Supermalls at SM Markets, ay idinisenyo upang mabilis na maihatid ang mahahalagang suplay sa mga komunidad na apektado ng mga kalamidad at krisis.
May pagtuon ito sa mahihirap na populasyon, tinitiyak ng programa na ang kritikal na tulong ay makararating sa mga higit na nangangailangan.
Nakatuon ang SM sa pagpapalawak ng kanilang mga pagsisikap sa pagtulong upang maabot ang mas maraming komunidad na nangangailangan habang nagbabago ang sitwasyon. (MICKA BAUTISTA)