Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

First PPP Racing Cup tagumpay na humataw!

SUCCESFUL ang resulta ng 1st Press Photographers of the Philippines na humataw sa karerahan ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Kapanapanabik sa Bayang Karerista ang bawat karera na humahataw sa araw na ‘yon.

Sa pakarerang PPP ang kabayong Seri na sinakyan ni jockey D.H. Borber,Jr. ang nagkampeon. Isang tropeo at tumataginting na P180.000 premyo ang tinanggap ng may-ari ng kabayo.

Nagpapasalamat po ng buong puso ang Press Photographers of the Philippines (PPP) sa mga sumuporta at tumulong sa proyektong ito.

Sa mga isponsor, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, Jr.,Konsehal Anton Capistrano ng 4th District Sampaloc, Manila, Mr. Francis Antonio Marcos, may-ari ng Fairy Touch Club and KTV, Philtobo President Bienvenido Niles, Jr.,ALAM Chairman Jerry Yap at MARHO president Eric Tagle,  maraming salamat po sa inyong lahat.

Sa Pacquiao Team,  maraming salamat din sa mga pinadala ninyong  bagay na pinamigay sa loob ng karerahan ng Santa Ana Park.

Ang proyektong ng PPP ay inisponsoran ng Philippines Racing Commission (Philracom) pamumuno ni Chairman Angel L. Castano, Jr at Commissioner/Executive Director Jesus B. Cantos.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!

oOo

May GUN-BAN ngayon dahil sa Barangay

Election sa buwan ng Oktubre 2013 pero walang check point sa kalsada.

May isang insdente sa loob ng isang club sa Roxas Blvd. May  isang Barangay Chairman sa Pasay City na nakalusot na may dala itong baril sa loob ng club. Mayabang raw ang Brgy. Chairman na ito at walang bukam-bibig kundi ‘bata’ daw siya ni Mayor Tony Calixto.

Sa hindi malamang pangyayari ay nagpaputok daw ng baril itong Barangay Chairman sa loob mismo ng VIP room. Paano naipasok ng Barangay Chairman ang kanyang baril sa loob ng club?

Ang tapang mo Chairman!

oOo

Binabati natin ang dalawang magiting na tatakbong Barangay Kagawad ng Barangay Daang Bakal Mandaluyong City na si Jojo Buenaventura at si Cesar Borja ng San Juan City.

Pagbati mula kay Vic Duran ng Senado.

Kung may suhestiyon o komento kayo na nais ipadala sa ating kolum ay magtext lang po kayo sa #09297472835.

Freddie M. Mañalac

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …