Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Meggan Marrie

Meggan Marie multi-talented, idol si Sarah Geronimo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKILALA at na-interview namin ang newbie sa showbiz na si Doc Meggan Marie sa second concert ng Magic Voyz sa Viva Cafe, kamakailan.

Dito’y kabilang si Meggan sa special guest ng grupo at ayon sa manager niyang si Lito de Guzman, officially ay debut ito ng dalaga sa mundo ng showbiz.

Multi-talented ang simpleng description kay Doc Meggan. Siya ay isang veterinarian at ipagpapatuloy pa niya ang pag-aaral bilang lawyer. Bukod dito, siya ay isa ring fashion designer, singer, dancer, at game rin sumabak para maging aktres.

Kabilang sa mga celebrity clients niya as a veterinarian sa kanyang clinic malapit sa ABS CBN sina Vice Ganda, Erik Santos, Niño Muhlach, Jolina Magdangal, Carla Abellana, at iba pa.

Nagkuwento siya sa pinagkakaabalahan sa kasalukuyan.

Aniya, “Nagsimula po ako sa Law school sa San Beda, then nag-shift ako sa Vet Med at iyon ang business ko po ngayon, may veterinary clinic ako.”

Sambit pa ni Doc Meggan, “Mas love ko po ang singing and dancing, before po pinapasok ako sa acting, pero kung saan po mapapaganda, if I’m needed there, okay lang naman po.”

Paano sila nagkakilala ng kanyang manager? “Some of the clothes ng Magic Voyz, I made them,” pakli ni Meggan.

Anyway, sa naturang concert ng Magic Voyz ay ipinakita ni Meggan na may-K siyang maging singer/recording artist. Nabanggit din niyang pinaplano na ang kanyang magiging debut single.

Ano ang mayroon sa Magic Voyz at bakit todo ang suporta niya sa grupong ito na mina-manage rin ni Lito?  “Kasi, very close na po ako sa Magic Voyz, very respectful po kasi sila and iba na po ang naging bonding ko sa kanila. So kung nasaan man sila, I’ll always be there.”

Mayroon ba siyang crush sa member nito? “Ay wala po, para kaming magpapamilya rito,” nakangiting wika niya.

Single pa ba siya? “Yes po,” matipid na tugon pa ni Doc.

Aniya pa, “Kapag nagpe-perform kami, we’re like family, ayaw ko rin po kasi iyong nasisira iyong trabaho namin. Para ko na silang mga kapatid, I’m the only daughter of my parents. So noong nakilala ko sila, para akong nagkaroon ng sangktutak na kapatid.

“Pati iyong mga dancers, I’m very close to them. So, nagpapasalamat ako sa kanilang lahat, talagang tinulungan nila iyong performance na gumanda.”

Ipinahayag din niya kung sino ang idol na singer sa bansa. “Local? Siguro po si Sarah Geronimo, kasi sing and dance rin po siya, e. So, parang kinaya niyang mag-sing and dance kahit before ay hindi siya ganoon.

“Kasi I’ve watched her when she won. So, before she was really more on ballad, ganoon. Kaya lang kapag puro ganoon, hindi diverse, mabo-bore iyong tao. So siguro, para sa performance na ganito na may audience, mas maganda iyong sing and dance.”

Ano ang fulfillment na nakukuha niya sa pagpe-perform?

“Sa pagpe-perform kasi, nakapagbibigay ka ng joy sa mga tao. Tapos parang naha-hype up mo sila. Nagiging bata sila kapag nanonood sila, so iyong mga problema nila, worries sa buhay, nawawala iyon panandalian.

“Then they watch, they enjoy… tapos ‘yung happiness na nabi-bring mo sa mga tao, iyon po ang pinakagusto ko sa pagpe-perform, to make people happy,” nakangiting wika ng talented na si Doc Meggan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …