Tuesday , April 15 2025
Narra lumber San Miguel Bulacan

Ipupuslit na troso ng Narra nasabat, negosyante tiklo

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang negosyante habang nakumpiska ang mahigit 700 piraso ng mga narra lumber at kagamitan sa troso sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 23 Oktubre.

Ayon kay Julius Victor Degala, Bulacan Environment and Natural Resources Officer, isinagawa ang pagkumpiska sa pamamagitan ng search warrant na inihain ng magkakatuwang na mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 3 (CIDG RFU3), lokal na pulisya, Highway Patrol Group, at environment office ng Provincial Government ng Bulacan.

Batay sa ulat ni P/Col. George Buyacao, Jr. ng CIDG RFU3, isinagawa ang search warrant sa kahabaan ng Kapayapaan Road, Zone 6, Brgy. Sta. Rita Bata, sa nabanggit na bayan, na sinaksihan ng mga opisyal ng barangay.

Nakumpiska ng raiding team ang mga kahoy na narra na may kabuuang volume na humigit-kumulang 4,410.875 board feet at tinatayang nagkakahalaga ng P772,256; isang band saw; miter saw; table wood plainer; hand-held wood plainer; table saw; jointer plainer; band saw na may roller steal table; de-koryenteng motor; circular saw at isang natapos na pinto ng narra.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Niño Romano Mala na nahaharap sa kasong paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines at kasalukuyang ay nasa custodial facility ng CIDG RFU3. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …