Wednesday , October 16 2024
Nagkalat sa Zambales at Bataan P14.6-M SHABU NATAGPUANG LUMULUTANG SA KARAGATAN

Nagkalat sa Zambales at Bataan
P14.6-M SHABU NATAGPUANG LUMULUTANG SA KARAGATAN

101624 Hataw Frontpage

NATUKLASAN ng mga lokal na mangingisda ang halos 2,150 gramo ng crystal methamphetamine (shabu) na nagkakahalaga ng P14.62 milyon sa dalawang magkahiwalay na insidente sa karagatan ng Zambales at Bataan nitong Lunes, 14 Oktubre 14.

Dakong 5:00 pm, nakuha ng walong mangingisda mula sa Barangay Matain sa Subic, Zambales ang dalawang plastic bag na naglalaman ng halos 1,800 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P12.24 milyon.

Ayon sa hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Zambales, namataan ang mga ilegal na droga na lumulutang malapit sa Lubang Island.

Kinalaunan, bandang 7:04 pm, narekober sa isang mangingisda mula sa Barangay Camaya sa Mariveles, Bataan ang isang plastic bag na naglalaman ng mahigit 350 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P2.38 milyon.

Ang mga narekober na ilegal na droga ay isinuko sa tanggapan ng PDEA sa Zambales at Bataan at ililipat sa PDEA National Headquarters para sa karagdagang profile.

Ipinag-utos ng PDEA Central Luzon Regional Director ang magkasanib na imbestigasyon ng mga tanggapan ng PDEA sa Zambales at Bataan upang matukoy ang pinagmulan ng droga at mga posibleng koneksiyon sa pagitan ng mga insidente. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sa P114-B  mungkahing budget sa 2025
4Ps NG DSWD IGINIIT REPASOHIN TANTOS NG BANSOT MATAAS MALNUTRISYON ‘DI NATUGUNAN 

MULING nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) …

101524 Hataw Frontpage

Staff ni Bong Go isinabit ni Garma sa reward system

ni GERRY BALDO IDINAWIT ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma …

Ombudsman PCG Coast Guard

50+% tongpats sa presyo ng armas  
PCG OFFICIAL SINAMPAHAN NG KASO SA OMBUDSMAN

SABIT sa reklamong nag-uugnay sa halos P1 bilyong iregularidad sa proseso ng bidding ang mga …

Bong Revilla Jr Lani Mercado MMDA

Sen Bong ipinangako pelikulang Filipino bubuhayin; 15,000 beneficiaries  nabiyayaan sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKALULULA ang napakaraming movie workers na nagtungo para makiisa sa Bagong …

itak gulok taga dugo blood

Sa Surigao del Norte
4-ANYOS TOTOY PATAY SA SUNDANG

NADAKIP ng pulisya ang isang magsasaka matapos iturong suspek sa pananaga at pamamaslang sa isang …