Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mujigae Richard Quan a Alexa Ryrie Kim Ji-soo

Richard Quan, bilib sa co-stars na sina Alexa, Ryrie, at Kim Ji-soo sa pelikulang Mujigae

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HINDI kami nakapunta sa press conference ng pelikulang Mujigae, kaya nag-pm na lang kay Richard Quan upang ma-interview ang award-winning veteran actor kahit sa Facebook.

Nalaman namin ang ilang detalye ng kanilang pelikula kay Richard. Na ang Mujigae ay isang Korean word pala na ang ibig sabihin ay rainbow. Ito rin ang name ng bidang batang babae sa nasabing movie, na ginagampanan ng napaka-talented na si Ryrie Sophia.

Ano ang tema ng kanilang pelikula at ano ang role niya rito?

“Isa itong family drama,” matipid na tugon ni Richard.

Aniya, “Ako rito si Tatay Emong, isang simple minded tatay ni Alexa (Ilacad) na nalagay sa complex situation dahil sa mga naging decisions niya in the past.”

Ang Mujigae (Rainbow) ay hatid ng UXS Inc. (Unitel/StraightShooters) at pinamahalaan ni Direk Randolph Longjas.

Ito ay para sa mga ina at para sa mga nagnanais maging ina at sa mga piniling magpaka-ina.

Ang pelikula ay hinggil sa isang batang naulila sa murang edad, si Mujigae (Ryrie) na nahanap ang matagal nang inaasam na makasama at maramdaman ang pagmamahal ng isang ina sa pamamagitan ng kanyang tiyahing si Sunny (Alexa). Kasama rin dito ang  Korean actor na si Kim Ji-soo na bahagi ng GMA’s Sparkle roster.

Ano ang reaction niya na may mga pelikula na ngayon na naipalalabas na sa cinemas, unlike noon na sa online lang?

Esplika ng versatile na actor, “Masaya, dahil finally ay nalagpasan na natin ang worst. I just hope this time, magkatulungan na ang mga tao sa industry towards progress.

“I hope na ma-open-up pa lalo sa international market ang mga produced ng Pinoys. And I hope na madagdagan pa ang support ng government sa industry natin.”

Nalaman din namin na matagal na mula nang nagkaroon siya ng pelikula na ipinalabas talaga sa mga sinehan.

“Ang Mga Halang ang title, last year iyon. Pero sa UP Film Theater lang siya. Iyong sa sinehan talaga, before pandemic pa yata.”

Inusisa rin namin si Richard kung ano ang masasabi niya sa kanyang co-stars sa pelikulang Mujigae.

“Si Ryrie, super-cute and charming but beneath the cuteness is a very intelligent kid. Haven’t met a 6 year old with such high IQ and EQ, brilliant kid.

“Si Kim ji soo – very respectful siya, focus and well prepared always in our scenes. Learned things about situation of Korean actors compared to Filipino actors. And si Alexa, a no nonsense person, what you see is what you get. Very rare in the industry iyan, specially now a days. We get along very well, as actors, without talking about it, we know if we nailed the scene or need another take – a very good actress, sky is the limit – intelligent too,” mahabang esplika ni Richard.

Kasama rin sa pelikula sina Donna Cariaga, Kate Alejandrino, Cai Cortez, Anna Luna, Lui Manansala, Peewee O’Hara, Rolando Inocencio, at Scarlet Alaba, with the special participation of Rufa Mae Quinto.

Ang screenplay ng pelikula ay mula kina Mark Raywin Tome at Randolph Longjas, line producer Noemi Peji, associate producer Grace Quisias, executive producers: Tony Gloria at Madonna Tarrayo.

Mapapanood na ang Mujigae simula October 9, 2024 nationwide, exclusively sa mga SM cinema.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …