Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Solar installer arestado sa baril, bala at droga

MATAGUMPAY na naihain ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang dalawang search warrant laban sa isang personalidad sa Nueva Ecija, sa isang pre-dawn operation dakong 5:30 am kahapon, 3 Oktubre 2024.

Ayon kay P/Colonel Ferdinand D. Germino, acting provincial director ng NEPPO, ikinasa ng mga elemento ng Gapan City Police Station ang search warrant laban sa suspek na si alyas Odo, isang 39-anyos solar installer mula sa Barangay San Vicente, Gapan City.

Nakompiska sa suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 13.34 gramo ng hinihinalang shabu, nagkakahalaga ng P90,712; isang lighter; isang pakete ng aluminum foil; isang timbangan; isang itim na supot; isang itim na sling bag; isang homemade caliber .38 revolver; siyam na basyo ng bala para sa kalibre .38; at isang black belt bag na may tatak na Supreme.

Nakakulong na ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 o ang  Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …