Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Kira Balinger Maple Leaf Dreams

LA Santos at Kira Balinger may chemistry, maraming pakilig scene sa Maple Leaf Dreams

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATAGUMPAY ang ginanap na premiere night ng pelikulang tinampukan nina LA Santos at Kira Balinger titled Maple Leaf Dreams sa Gateway 2, Cineplex 12, last September 20.

Thankful naman sina Kira at LA sa magandang feedback at mga natanggap na papuri sa kanilang pelikula.

Magandang follow-up kay LA ang proyektong ito mula sa kanyang award-winning performance sa In His Mother’s Eyes na tinampukan nila nina Maricel Soriano at Roderick Paulate. 

Sa bago niyang pelikula, muling nagpakita nang husay si LA. Hindi naman nagpahuli si Kira dahil talagang nakipagsabayan siya ng galing sa acting sa kanyang leading man dito.

Bukod sa husay ng dalawa, kitang-kita ang chemistry nina LA at Kira sa movie. Plus, maraming pakilig scene sa Maple Leaf Dreams ang dalawa. Sa totoo lang, bagay ang pagiging guwapings ni LA, sa beauty ni Kira.

Anyway, bukod kina LA at Kira, present din sa premiere night ang cast na sina Ricky Davao, Hannah Vito, Kanishia Santos, Bea Rose Santiago, at Jong Cuenco. Pati ang direktor ng pelikula na si Benedict Mique at writer na si Hannah Cruz.

Sina Kira at LA bilang sina Molly at Macky respectively, ay magkasintahan sa pelikula. May ambisyon si Molly na pumunta sa ibang bansa upang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.

Ayaw niya kasing maging sunod-sunuran ang kanilang pamilya sa kamag-anak na nakaaangat sa buhay at pinagkakautangan nila ng loob. Lalo na kapag nakikita niyang sinisigaw-sigawan ang kanyang ama (Joey) sa kaunting pagkakamali nito, kahit sila ay magkakadugo.

Ang kamag-anak kasi nilang ito ang tumulong kay Kira para siya ay makapagtapos ng kolehiyo. Kaya naisip ni Molly na magpunta sa Canada bilang OFW at dito tuparin ang kanyang mga pangarap sa buhay, kapiling ang BF niyang si Macky.

Sa sobrang pagmamahal ni Macky kay Molly at pagiging supportive nito, kahit may maganda siyang trabaho sa Pinas bilang manager, pumayag siyang samahan ang girlfriend sa pakikipagsapalaran sa Canada.

Pero hindi naging madali ang buhay at mga naranasan nila sa Canada. Dito’y naging dishwasher si Macky at sumabak sa iba’t ibang klase ng trabaho. Si Molly naman ay naging working student.

Maraming sinuong na pagsubok ang magkasintahan, lalo na nang may dumating na trahedya kay Molly.

Dahil dito, gusto nang umuwi ni Molly sa Filipinas, Mabuti na lang at may nagpayo sa kanya na kapwa Pinoy na nagpabago sa kanyang isip.

Pagmamahalan at ang determinasyon ang kanilang gabay at matibay na pundasyon upang magpatuloy sa pag-abot sa kanilang mga pangarap sa buhay.

Kaya sa bandang huli ay nalampasan ng dalawa ang lahat ng mga pagsubok sa buhay. Nakapagtapos ng pag-aaral at nagkaroon ng magandang trabaho si Molly, pati na rin si Macky. At inaayos na ni Molly ang pag-petition sa kanyang ina at kapatid dahil nagkaroon na siya ng permanent residency o PR.

Tiyak na maraming OFW, lalo ang mga nasa Canada at Amerika ang makare-relate sa pelikulang ito, kaya hindi dapat palagpasin ang Maple Leaf Dreams.

Bahagi rin ng cast sina Snooky Serna, Joey Marquez, Jef Gaitan, Benito Mique, at Malou Crisologo.

Sina Benito at ang beauty queen na si Bea ay Pinoy na nakabase sa Canada.

Ang Maple Leaf Dreams ay hatid ng 7K Entertainment, Lonewolf Films, at ABS-CBN’s Star Magic. Ito ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa Filipinas simula September 25 at sa Canada naman, simula sa September 27.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …