Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulakan Bulacan

3 patay sa sunog sa bulacan

TATLO ang namatay sa naganap na sunog sa isang residential house at isang e-bike store sa Bulakan, Bulacan kahapon ng madaling araw (Setyembre 16).

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Darwin Barbosa, hepe ng Bulakan Municipal Police station (MPS), kay Police Col. Satur Ediong, acting Bulacan police director, kinilala ang mga biktima na sina Rogelio Solis Jr., 46-anyos; ka-live-in na si Kristine de Dios, 52-anyos at ang anak nito na si Miyakiel Koreen de Dios, 8-anyos na mga residente ng Camino Street, Barangay San Jose, Bulakan, Bulacan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na natupok ng apoy ang bahay ng mga biktima at ang puwesto ng Scooter City E-Bicycle Trading Store na pag-aari ng isang Darius Rodrigo dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Tinitingnan pa ng mga imbestigador ang posibilidad na nagsimula ang sunog sa isang inabandunang electric bike na naka-charge. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …