Saturday , November 23 2024
Ang Awit ng Dalagang Marmol Jocelynang Baliwag

“Ang Awit ng Dalagang Marmol” inilahad ‘di pa nasasabing katotohanan tungkol sa ‘Jocelynang Baliwag’

LUNGSOD NG MALOLOS – Hinamon ang estado ng awiting “Jocelynang Baliwag” bilang Kundiman ng Himagsikan at ang paghahambing nito sa imahen ng Inang Bayan sa pagtatanghal ng Dulaang Filipino Sining Bulakenyo ng “Ang Awit ng Dalagang Marmol” sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa apat na magkakasunod na araw.

Umikot ang istorya sa isang bagong dula na binubuo bilang pagpupugay sa bagong gawang teatro sa isang lalawigan, ngunit sa malalim na eksplorasyon ay naglitaw ng mga hindi pa nasasabing katotohanan tungkol sa Jocelynang Baliwag na hahamon sa idinadambanang awit ng rebolusyon.

Sinabi ni Andrew Estacio, ang Bulakenyong sumulat ng dula, ipinagmamalaki niyang ang teatro, sining, kasaysayan, at musika ay buhay na buhay sa lalawigan ng Bulacan.

“Paano ba natin tinitingnan ang kasaysayan sa punto de vista ngayon, paano ba natin ito iwinawasto? ‘Yung sining nand’yan para baguhin pa rin ‘yung isip natin hinggil sa kasaysayan. Binubuhay ng sining ang kasaysayan. Forever relevant, forever entertaining and enjoyable ‘yung paghalungkat natin ng kasaysayan, lalo na ang kasaysayan ng Bulacan,” ani Estacio.

Tinalakay rin sa dula ang hirap nang pagtatanghal na nahahati sa pagitan ng pagpapakita ng mga datos ng kasaysayan at paggalang sa masining na interpretasyon.

“Ito ang adbokasiya namin bilang theatre practitioners, bilang cultural workers, na madala at maikalat ang impormasyon, maikuwento ang mga dapat ikuwento gamit ang teatro,” anang direktor na si Nazer Degayo Salcedo.

               Samantala, hinikayat ni Allyson McBride, isang estudyante mula sa Mary the Queen School of Malolos at isa sa mga nakapanood ng palabas, ang kanyang mga kapwa kabataan na aralin ang kultura ng lalawigan at ng bansa.

“Sa panahon natin ngayon na maraming nangyayari at marami na tayong nalalaman, sana huwag natin i-take for granted at mahalin pa natin ang ating kultura kasi ang ating kultura ay doon tayo nanggaling. Huwag natin itong ibalewala at ito ay aralin natin,” ani McBride.

               Patuloy na mapapanood ang DFSB: Ang Awit ng Dalagang Marmol sa Nicanor Abelardo Auditorium at bukas sa publiko hanggang ngayong araw, 12 Setyembre, 10:00 am, 2:00 pm, at 6:00 pm. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …