Friday , November 22 2024

Chinese dinukot sa China town?

NAGPASAKLOLO sa mga kagawad ng pulisya kahapon ang mag-asawang Chinese, pawang negosyante  upang mahanap ang nawawala nilang anak na umalis sa kanilang tinutuluyang bahay sa Ermita, Maynila nitong Oktubre 8 (2013).

Sa salaysay kay SPO2 John V. Cayetano ng MPD General Assignment Section kahapon, tinukoy ng mag-asawang sina Zu Liming (ina) at Shuizheng Wu (ama), 51, Chinese nationals, naninirahan sa #1015 MH Del Pilar St., corner T.M. Kalaw. Ermita, Maynila, ang nawawala nilang anak na si Eric Wu, 29, may-asawa, naninirahan sa nabanggit na lugar.

Huling nakita ng kanilang gwardiya na umalis si Eric Wu nang nasabing petsa ngunit hindi alam kung saan patungo.

Nabatid sa salaysay ng mag-asawa, noong Oktubre 10, ay tumawag pa si Eric Wu sa kanyang misis na nasa China, at ipinabatid na siya (Eric Wu) ay nasa loob ng hindi nabatid na restaurant sa Ongpin St., Binondo.

Nababahala ang mag-asawang negosyante na may masamang nangyari sa kanilang anak na hindi anila nakauunawa ng salitang Tagalog.

Kaugnay nito, nananawagan sa publiko ang mag-asawa na ipaalam kay MPD GAS investigator SPO2 John V. Cayetano ang kinaroroonan ng kanilang anak o sa cellphone number 0917-5891589, hanapin lamang si Mary Co, ang interpreter ng pamilya Wu.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *