Sunday , November 24 2024
Marie Lozano Raine Musñgi LIFESTYLE LAB

Marie, Raine, Mai, Maiki pambato sa lifestyle at negosyo programs ng Bilyonaryo News Channel 

RATED R
ni Rommel Gonzales

PASABOG ang tinaguriang Broadcast sweetheart na si Marie Lozano dahil siya ang headliner sa bagong lifestyle program ng Bilyonaryo News Channel’s titled “LIFESTYLE LAB.”

Tatalakayin ng nasabing documentary-style show ang topics ukol sa health, health and wellness, beauty, at fashion sa signature Bilyonaryo style ng reporting and presentation. At hindi lang ito mapapanood sa free TV, kundi maging sa digital world din.

Mapapanood ang new episodes ng show every Saturday at 10:00AM with repeats at 8:00PM, with replays on Sundays at the same time slots.

Matutunghayan din sa “Lifestyle Lab” ang mga hottest and most talked about treatments and products na tiyak na papatok sa mga manonood. Ipapakita ng veteran journalist and aspirational star na si Marie ang mga latest trends at ibubuking din kung ano ang ‘hype’ at ‘real deal.’

Mula sa beauty and cosmetic product reviews, aesthetic treatment and pharmaceutical therapies, to experimental fashion, grooming tips and beyond, makaaasa ang viewers ng isang makabuluhang panoorin kasama ang glamorosang host na si Marie.

Samantala, sa larangan ng negosyo, type dalhin ng Bilyonaryo News Channel ang business news reporting style sa mas malawak na audience along with its signature programs na sumasakop sa lahat ng base ng business landscape sa bansa.

Nakatakdang maglabas ang BNC ng bagong line-up ng mga programang tutugon sa kanilang followers sa pamamagitan ng mga business and corporate shows.

Ang mga bagong programa na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ay nakatuon sa mga pagbabalita ng news and significant stories na nakaaapekto sa estado ng mga negosyo at ekonomiya, gayondin ang mga in-depth analysis and discussions kasama ang mga industry leaders and experts sa mga pangunahing issues and insights on corporate and public policy.

Ang veteran business broadcaster and the founder of the socially oriented organization dedicated to empowering Filipino youth in business and entrepreneurship na si Maiki Moreta ang hahawak ng Kiddo-preneur with programs “Basis Point” na mapapanood from 9:30am to 10am at “Industry Beacon” na eere naman from 11:30am to 12pm.

Gagamitin ni Oreta ang kanyang kahusayan sa business journalism at entrepreneurship to keep the investors on the loop on market’s movement and the events affecting it.

Ang “Basis Points” ay magbibigay ng napapanahong update sa performance ng equities market at ang pinakabagong balita sa negosyo at ekonomiya. Habang ang 30-minute business talk show na Industry Beacon ay magpo-provide sa industry experts ng platform para kausapin ang iba’t bang business chambers and leaders for insightful discussions.

Nagbabalik naman sa Philippine television si Raine Musñgi, isang distinguished business news journalist and presenter na mag-a-anchor at magpo-produce ng “Follow The Money” mula 10:30AM hanggang 11:00AM.

Mapapanood sa nasabing half-hour show ang masterclass in personal finance, na magbibigay sa mga manonood ng strategies sa saving, earning at kung paano palaguin ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng magkakaibang paraan ng pamumuhunan.

Itatampok din ng ‘Follow the Money’ ang mga top wealth and fund managers na magbibigay ng napakahalagang mga insight at gabay sa negosyo. Ang seasoned news and public affairs anchor naman si Mai Rodriguez ang magho-host ng “Pathways to Success” na mapapanood Mondays to Fridays from 11:00AM to 11:30AM.

Sa naturang show ay bibigyan ng pansin ang iba’t ibang industriya na magpapakita ng mga bagong pananaw sa so-called big players na siyang humuhubog sa paraan ng pagpapatakbo ng mga negosyo pati na rin ang mga MSME at social enterprise. Mapapanood din sa bagong channel ang previous episodes ng “Usapang Bilyonaryo” ni Ces Drilon habang inihahanda ang new season ng mga bagong programa.

Upang matiyak ang exposure ng mga pangunahing programa na kapaki-pakinabang sa BNC core audience, ang nasabing business block programs ay magkakaroon ng replays from 4:00PM to 6:00PM and 8:00PM to 9:00PM on the same day of broadcast.

Magsisimula nang mapanood sa mas malawak na audience ang BNC sa September 9 on free-to-watch television channel BEAM TV 31 (through digital TV boxes in Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, and Naga), and leading cable TV provider, Cignal Channel 24.

About Nonie Nicasio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …