Thursday , May 8 2025
Bulacan Police PNP

Ika-5 araw ng SACLEO sa Bulacan:  
7 DRUG PEDDLERS, GUN LAW OFFENDER ARESTADO

ARESTADO ang pitong personalidad sa droga at isang lumabag sa pag-iingat ng hindi lisensiyadong baril sa ika-5 araw na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan PNP sa lalawigan hanggang kahapon.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Satur L. Ediong, OIC ng Bulacan PPO, sa buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bocaue, Plaridel, at San Ildefonso MPS ay naaresto ang pitong tulak ng iligal na droga.

Nasamsam sa mga operasyon ang labinlimang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php 167,440, iba’t ibang drug paraphernalia, at buy-bust money.

Isa namang 52-anyos na lalaking suspek ang inaresto ng mga operatiba ng Pandi MPS dahil sa krimeng grave threat, paglabag sa R.A. 10591 at B.P. 6 na naganap sa Brgy. Malibong Matanda, Pandi, Bulacan, bandang alas-11:40 kamakalawa ng gabi.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre 38. revolver na Smith at Wesson Springfield mass, apat na bala, at isang kutsilyo habang inihahanda na ang reklamong kriminal para sa paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) para sa pagsasampa sa korte laban dito. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …