Sunday , December 22 2024
Allen Dizon, swak bilang lalaking Nora Aunor

Allen Dizon, swak bilang lalaking Nora Aunor

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

FINALLY ay napanood namin last Saturday ang pelikulang Abe Nida na tinatampukan nina Allen Dizon at Katrina Halili.

Kasama rin sa pelikula sina Gina Pareno, Joel Lamangan, Vince Rillon, Leandro Baldemor, Kate Brios, Nella Marie Dizon, Ina Alegre, Mimi Juareza, at iba pa.

Ipinakita ni Allen dito na walang kupas ang kanyang husay at karapat-dapat siya sa mga awards at pagkilalang natanggap, sa loob at labas ng bansa.

Matapos naming panoorin ang AbeNida, pumasok sa aming isipan ang mga napanood naming eksena rito ni Allen. Iba talaga ang atake niya sa mga eksena niya rito at isa ang pelikulang ito sa mahirap na role na natoka sa kanya.

Eskultor na may tama sa utak ang papel dito ni Allen, dahil iniwan siya ng kanyang asawa. Kaya dapat ay ibang atake ang mapanood sa kanya, na kakaiba sa mga nagawa niyang award-winning movies before.

Game namang ginampanan ni Allen ang papel niya rito. Wala siyang paki kung kailangang paliguan siya ni Gina and later-on, ni Katrina rin. Nasilip din ang puwet niya rito, plus tumodo na talaga si Allen dahil may eksena siyang naglalakad nang hubo’t hubad, na walang pakialam kung masilip man ang kanyang kargada.

Pero ang tiyak na tumatak sa moviegoers ay ang mga eksena ni Allen na walang dialogue at mata lang ang gamit niya sa pag-arte.

Kaya dito nga pumasok sa isip namin na si Allen ang swak bilang lalaking Nora Aunor.

Incidentally, bukod sa pagiging A-list at multi-awarded actor, si Allen ay kinilala rin bilang Hall of Famer sa FAMAS Best Actor at Gawad Pasado Best Actor. Kaya hindi na talaga matatawaran ang kanyang husay bilang alagad ng sining.

Actually, ang obrang ito ng award-winning director na si Direk Louie Ignacio ay nagbigay ng karangalan sa bansa. Ito’y via the 10th Emirates Film Festival sa Dubai.

Napanalunan ni Allen dito ang Best Actor, para sa kanyang 13th international Best Actor award at 51st acting awards. Samantalang nasungkit naman ni Katrina ang Best Supporting Actress award para sa kanyang dual role sa naturang pelikula.

Ang AbeNida ay nanalo rin sa naturang international filmfest bilang Best International Film Feature.

Gusto rin naming banggitin na bukod sa husay nina Allen at Katrina, lahat halos ng casts nito ay nagpakita epektibong performance. Special mention dito sina Leandro at Ms. Kate. Kaya wish namin na sana ay dumami pa ang mga acting projects ng dalawang ito.

Anyway, sina Ms. Baby Go at Ms. Polly Jean Go ng BG Productions International ang nasa likod ng tagumpay ng AbeNida. Si Dennis Evangelista naman ang Line Producer ng pelikula. 

Ipinahayag naman ni Ms. Baby ang kasiyahan at nagpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kanilang pelikula.

Aniya, “Sobrang proud ako sa pelikulang Abe Nida lalo’t nanalo na ito ng award internationally. Worth it lahat ng efforts ng buong team ni direk Louie. This movie is a significant milestone for BG Productions International.”

Dagdag pa ni Ms. Baby, “Of course, nagpapasalamat ako sa suporta ng aking pamilya, mga kaibigan, lahat ng BG directors, line producer na si Dennis Evangelista, staff at crew, at mga media na tumulong sa pag-promote ng pelikulang ito.

“Ang inyong suporta ay napakahalaga at nagpapalakas sa aking loob upang ipagpatuloy ang aming mga proyekto. Mahal ko ang showbiz industry. Enjoy akong magprodyus ng mga de-kalidad na pelikula.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …