Friday , April 18 2025

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili ang epekto ng Southwest Monsoon na pinalakas ng Bagyong “Carina” sa Central Luzon.

Sinabi ni PRO3 Regional Director PBGeneral Jose S Hidalgo Jr na nagbigay siya ng direktiba sa lahat ng commanders na ipatupad ang mga naunang hakbang na sinusunod kasama ang lahat ng guidelines sa ilalim ng PNP Critical Incident Management Operational Procedures (CIMOP). 

Inatasan din ng opisyal ang Regional Mobile Force Battalion 3 na magsagawa ng forward deployment para madaling tumugon sa anumang posibleng mangyari ng bagyo.

May kabuuang 474 na tauhan ang naka-deploy para sa response operations kabilang ang mga naka-deploy sa evacuation centers habang 578 ang naka-standby at nakahanda na para sa search, rescue at retrieval operations, at 466 ang binubuo ng Reactionary Standby Support Force.

Batay sa pinagsama-samang ulat mula sa lahat ng police units ng Region 3 at Office of the Civil Defense-Region 3, habang isinusulat ang balitang ito ay may kabuuang 528 pamilya na binubuo ng 1,509 na indibidwal ang pansamantalang sumilong sa 34 sa 800 evacuation centers sa buong rehiyon partikular na sa Bataan, Bulacan, at Olongapo City.

Samantalang iniulat na 71 barangay ang binaha sa lalawigan ng Bulacan habang 7 kalsada rin sa nasabing lalawigan ang hindi madaanan ng mga sasakyan samantalang sa Pampanga ay 37 barangay ang lubog sa baha, batay sa situational report ng RDRRMC3.

Kaugnay nito, 33 indibidwal sa Bataan at 1 sa Angeles City ang nailigtas ng mga awtoridad sa sakuna subalit sa kasamaang palad, dalawang indibidwal kabilang ang isang menor de edad ang namatay dahil sa landslide sa Angeles City.

 Ilang lalawigan sa Central Luzon ang nag-anunsyo ng suspensiyon ng mga klase at trabaho dahil sa masamang kondisyon ng panahon na dala ng malakas na bagyo.

Sinabi rin ni PBGeneral Hidalgo Jr na sisimulan ng PRO3 ang pamamahagi ng mga relief packs sa mga pamilyang pinakamahirap na naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Carina sa Central Luzon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …