Sunday , December 22 2024
Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya ng tatlong medalya at plaque sa nagdaang World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Long Beach California, USA na ginanap noong June 27 to July 7, 2024.

About two years ago namin unang nakilala si Kate at iyon ay nang sumabak siya sa Little Miss Universe 2022 bilang pambato ng Filipinas. Pero hindi namin alam na active din pala siya at magaling sin siya sa sayawan.

Wika ni Kate, “Yes po, when I joined different pageant competition po… lagi rin po akong uma-attend ng dance workshop po. Ito po ang one of my hubbies po, during weekends.”

Inusisa namin ang nakopo niyang awards sa WCOPA.

Kuwento niya sa amin, “I got two gold medals, one silver medal and a gold plaque po as one of the Division Champion.”

Aniya pa, “Sobrang saya ko po and thankful po lalo na po kay Papa God, kasi hindi Niya po ako pinabayaan during the competition. Hindi po nasayang ang lahat ng pagod ko sa trainings.”

Ang 10 year old na si Kate ay Grade 5 sa Manila Cathedral School. Siya ang eldest daughter nina Doc. Romeo Tamani II and Mrs. Lenelyn Tamani.

Kumakanta rin ba siya? “Hindi pa po sa ngayon, pero gusto ko rin po i-try,” matipid na tugon ni Kate.

As a young beauty queen, inusisa rin namin siya kung ano-ano na ang titles na napanalunan niya?

“Ang first title ko po in pageant competition is Philippine Kids Super Model 2019 – Second Runner Up, Best Top Model Philippines 2022-Grand Winner, International Mini Miss 2022 – Grand Winner (Bangkok Thailand), Little Miss Universe 2022 (held in Dubai), Teen Supermodel International Philippines Ambassador – Winner, October 2023, at ito pong WCOPA.”

Ayon pa sa kanya, hindi nakaka-apekto sa pag-aaral niya ang mga iba’t ibang pinagkaka-abalahan niyang ito.

“So far hindi naman po, kasi nababalanse ko po iyong oras ko between school and competition. Actually po, proud to say po na nasa Honor List pa rin po ako,” nakangiting pakli niya.

Ano ang pinagkakaabalahan niyan ngayon? May pinaghahandaan ba siyang upcoming competition?

“As of now po, wala pa po… Pero isa po ako sa member ng Kiddowokeez New Generation Celebrity Kids dance group na kaka-launch lang po last June 2024. This time focus po muna ako sa mga trainings ulet and then sa schooling din po.” 

Gaano ka-supportive ang parents niya sa mga hilig niya at mga sinasalihang competitions?

Tugon niya, “Very supportive po sila Daddy and Mommy sa akin, kaya po lagi ko pong ginagalingan talaga para sa kanila.” 

Nagbigay din siya ng mensahe sa kanyang mga magulang.

Wika ni Kate, “Mommy and daddy, salamat po dahil palagi po ninyo akong sinusuportahan sa mga ginagawa ko. Salamat po dahil nakakapunta na po ako ng ibat ibang bansa dahil sa support po ninyo.

“Promise ko po, gagalingan ko po palagi at mag-aaral po akong mabuti. Promise ko po sa inyo na magiging good girl po ako palagi. I love you both.”

About Nonie Nicasio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …