Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sophia Nadia Montenegro Baron Geisler

Baron wala pang pag-amin na anak si Sophia

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI diretsahang inamin ni Baron Geisler na anak nga niya ang bunsong anak ni Nadia Montenegro na si Sophia. Matagal nang tsismis iyan at ngayon inamin na nga ni Nadia ang katotohanan sa publiko. Kung mayroon mang dapat na makatukoy kung sino ang ama ng kanyang anak natural ang nanay iyon. 

Ang masakit lang puwedeng magkaila ang tatay at itanggi iyon, pero ang nanay walang choice dahil sa kanya lumabas ang bata. Wala namang nakaalam kung paano ginawa ang bata kundi ang mga biological parents lamang niya. Hindi naman sila tatawag ng witness sa milagro nila lalo na’t noong panahong iyon ay buhay pa si dating Mayor Boy Asistio. Gusto ba nilang mabura sila sa mundong ibabaw?

Ang sinasabi ni Baron, hindi pa niya inaamin sa ngayon na anak nga niya si Sophia sa kabila ng pag-amin ni Nadia pero ikinatutuwa niya nang batiin pa ni Sophia ang asawa niya noong birthday niyon. Tanggap na rin siguro niyong bata na mayroon nga siyang madrasta, at kailangan niyang kilalanin iyon pero kailan siya kikilalanin ng tatay niya?

At paano pagdating ng araw lalabas na erroneous ang kanyang birth certificate kagaya ni Alice Guo, na lumaki sa farm at tinuruan lang ni Teacher Rubilyn?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …