Friday , November 22 2024
Bulacan Police PNP

Anti-Crime Drive Ops sa Bulacan
P.25-M HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA, 27 ARESTADO

MULING nagsagawa ng pinaigting na operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng iligal na droga, kabilang ang pagkakaaresto sa labing-anim na nagbebenta ng droga, anim na wanted na kriminal, at limang mga ilegal na nagsusugal sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, may kabuuang apat na sachet ng hinihinalang shabu, tinatayang may timbang na apatnapung gramo at may standard drug price na Php 136,000 at buy-bust money ang nasabat .

Ang anti-illegal drug operation ay ikinasa ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kasama ang mga awtoridad ng Pulilan MPS na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Jhay- ar, 27, walang trabaho, sa Brgy. Cutcot, Pulilan, Bulacan, dakong alas-5:00 ng hapon, Hulyo 15, 2024.

Samantala, labinlima pang drug peddlers ang naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Angat, San Miguel, Guiguinto, Malolos, Balagtas, Meycauayan, at Plaridel C/MPS. 

Nakumpiska sa operasyon ang apatnapu’t pitong sachet ng hinihinalang shabu na may standard drug price na Php 117,260 at marked money.

Anim namang taong wanted ng batas ang naaresto sa serye ng manhunt operations na isinagawa ng tracker team ng Bulacan 1st PMFC, Sta. Maria, San Rafael, Marilao, San Jose Del Monte, at Bustos C/MPS. 

Samantalang limang indibidwal ang nahuli sa aktong nagsasagawa ng ilegal na sugal na cara-y-cruz sa Brgy. Muzon, SJDM City, Bulacan. 

Naaktuhan ng mga awtoridad ang mga suspek at nakumpiska sa kanila ang “pangara” at taya ng pera sa iba’t ibang denominasyon.

Ang lahat ng mga naarestong suspek at akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit/stations para sa tamang disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …