Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may kailangan kaming bilhin, tapos umulan kaya nag-ikot na rin kami sa mall. Nilibot namin ang 12 sinehan nila pero wala na kaming nakitang palabas niyong pelikula ni Barbie Forteza na gusto pa naman sana naming panoorin. Sabi pa nga namin magbabayad kami at hindi hihingi ng senior citizen discount para makadagdag sa kita ng pelikula ni Barbie. Mabait naman kasi ang batang iyan kulang lang ng suporta sa kanyang career. Kasi nga ang tingin sa kanya ay pang-tv lamang.

Pero sa totoo lang, naniniwala kaming maaaring ilaban si Barbie kahit na sa big screen basta bigyan lamang ng tamang project at mai-promote nang husto. Sayang nga eh wala na ngayong mga producer na kagaya ni Mina Aragon. Kung noon iyang si Barbie, at napunta halimbawa kay Boss Mina aba eh sikat na sikat na iyan ngayon. 

Malungkot mang isipin, mukhang hindi kinagat ng tao iyong BarDa. Mukhang ang naging kapalaran nila ay kagaya rin ng DonBelle na humakot ng alikabok sa takilya.  Iyong DonBelle noon walang binatbat sa mga nakasabay pang mga pelikula ng MMFF. Ito namang BarDa, nakasabay kasi ng malalaking foreign films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …