Friday , November 22 2024
ROTC Games 2024

Garcia, Somera, Hampac pasiklab sa ROTC Games

ZAMBOANGA CITY – Kumalawit ng dalawang ginto sa athletics event si Alec Rowen Garcia habang nakalima na si tanker Jellie Somera sa nagaganap na 2nd Philippine Reserve Officers Training Course (ROTC) Games 2024-Mindanao Qualifying Leg kahapon sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex dito.

Nahablot ni 21-year-old, 3rd year BS Criminology sa Northern Mindanao Colleges Incorporated ang pang limang gintong medalyang ambag sa Philippine Army sa women’s swimming matapos lumangoy sa 50 meter freestyle at ilista ang tiyempong 34.13 segundo na ginanap sa aquatic center ng JEMSC.

Habang matapos masungkit ang ginto sa 1,500 meter nakaraan ay sumikwat ulit si Philippine Navy, Garcia ng Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology sa Long Jump.

“Masaya po ako sa mga nakuhang medals, sana magtuloy po ito hanggang national finals,” sabi ni Somera.

Unang kinampay ni Somera ang 100m freestyle (1:22.38) sunod ang 50m backstroke (41.55) sa unang araw ng kompetisyon at noong Martes ay niratsada ang women’s 200m freestyle sa oras na 3:25.62 minuto at 100m backstroke na nilista ang 1:38.69 minuto.

Sa men’s division ng swimming, si Philippine Air Force cadet John Austine Hampac ng Southern City Colleges ang may pinakamaraming nakulimbat na gintong medalya.

Kinampay ni 21-year-old first year BS Criminolgy student Hampac ang pang limang gold medal nang manalo sa 50 meter freestyle sa isumiteng 26.93 segundo kahapon.  

Nakuwintasan din ng gintong medalya sa women’s side ng shot put  sina Mary Rhose Delos Santos  ng Western Mindanao State University mula sa Philippine Air Force (5.28m) at Anthonette Nunez Tubod College mula naman sa sangay ng Philippine Army (5.54).

Sa taekwondo, sinipa ni Nica Jane Pantaleon ng Nuevo Zamboanga College Inc. ang gintong medalya sa women’s flyweight division habang si Muzaina Matarul ang kuminang sa bantamweight. 

Bumida sa chess sina Hannah Claire Avellaneda (Navy), Maybeline Bandiala (Army) at Shaina Jane Isnani (Air Force) matapos pumitas ng gintong medalya sa women’s division ng Rapid.

Nakakuha naman ng gold medal sa men’s Rapid sina Cloyd Mesia (Navy), Kurt Pelayo (Air Force) at Mike Jerrick Baquil (Army).

Samantala, ang nasabing 6-day sportsfest para sa cadet-athletes mula sa colleges at universities sa Mindanao na tatagal sa Hunyo 29 ay suportado ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman Richard Bachmann habang si Senator Francis Tolentino ang utak ng event. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …