Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
San Miguel Bulacan

Mag-asawa tinarget ng tatlong kawatan

ISANG mag-asawang kararating lang sa kanilang bahay ang pinagnakawan ng tatlong hindi pa nakikilalang kawatan sa San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga biktima na sina Marciano Cruz Jr. at Myla Cruz, kapuwa 53 taong gulang at residente ng Barangay Salangan sa nasabing bayan.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng San Ildefonso MPS na kararating lang ng mag-asawang Cruz sa kanilang bahay bandang 9:20 ng gabi at isasara na sana ang kanilang gate nang dumating ang tatlong armadong suspek at sabay tutok ng baril ay inutusan ang mga biktima na ibigay ang kanilang mga mahahalagang gamit.

Nakuha ng mga armadong kawatan mula sa mag-asawa ang P150,000 na cash, alahas at gadget na nagkakahalagang P150,000 at tumakas sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng bayan ng San Ildefonso. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …