Sunday , December 22 2024
PNP PRO3

Regional police director sa Central Luzon iimbestigahan sa ilegal na POGO

ANG REGIONAL police director ng Central Luzon ay nasa ilalim ng imbestigasyon kasunod ng pagkakadiskubre sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga, 

Ayon kay Philippine National Police chief Police General Rommel Francisco Marbil, iimbestigahan nila ang regional director hinggil sa mga ulat na hindi nito naaaksiyunan ng maayos ang mga nadiskubreng POGO hubs na naglagay sa kanya ng pananagutan.

Matatandaang sa isang pahayag nitong katapusan ng linggo, binalaan ni Marbil ang mga pulis na haharap sila sa mga aksyong pandisiplina kung mapatunayang sangkot sa operasyon ng mga ilegal na POGO.

“Ang patakarang ito ay nagsisilbing paalala: makisali sa mga ilegal na aktibidad, at ikaw ay haharapin nang naaayon,” aniya pa.

Ngunit sinabi ni Marbil na hindi niya sinasabi na ang mga pulis ay “protectors” ng mga ilegal na POGO at ang mga opisyal ng pulisya ay tinanggal sa kanilang mga puwesto dahil sa hinihinalang kawalan ng aksyon.

Sa POGO hub sa Porac, nakita ng pulisya at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga bagay na ginagamit para sa torture, at ilang device na ginagamit para sa pag-clone ng mga SIM card at para sa pagpapadala ng mga text blast.

Samantala, anim na Chinese POGO workers mula sa ni-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac ang napag-alamang pugante na nahaharap sa mga kaso sa kanilang bansa. 

Ang mga Chinese ay may mga warrant of arrest para sa pandaraya, pagpapatakbo ng mga sugal at iba pang krimen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …