Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, hindi nawawala kay Zara Lopez ang kanyang pananalig sa Diyos.

Isa sa pinagdaanan niya kamakailan ay ang paghihiwalay nila ng landas ng ex-partner niyang social media influencer na si Simon Joseph Javier.

Umabot din ng almost three years ang relasyon nina Zara at Simon.

Ngayon ay naka-focus lang ang dating Viva Hotbabe sa kanyang trabaho at sa dalawang anak.

Thankful din si Ms. Zara sa pagdami lalo ng followers niya sa social media at malaking sales sa mga ginagawa niyang live selling.

Pahayag niya, “Siguro blessings ni Lord, hindi naman maitatago sa buong Filipinas iyong pinagdaanan ko, na naging single mom ako. Siguro alam ni Lord na may kailangan akong buhayin na mga anak, so, kaya siguro Niya ako ibine-bless.

“Si Lord kasi, He would make sure na kapag durog na durog ka, gagawin ka ulit Niyang buo. Kapag alam Niyang may humahatak sa iyo pababa, hahatakin ka Niya pataas.”

Sa ngayon, ang social media followers ni Zara ay 6.8 million sa Tiktok, 2.2 million sa Facebook, at 268k sa Instagram.

Umiikot ang mundo niya sa mga anak na sina Reece at Sapphire, kaya nakatutok lagi si Zara sa kanila. 

Anong klaseng mother ba si Zara? “I’m not perfect, but I will do my best for my kids. I will work hard for my kids and hinding-hindi ko sila pababayaan hanggang sa huling hininga ko. And I will make sure na hindi nila mararanasan lahat nang naranasan kong hirap.”

Aminado rin siyang masarap maging nanay, nang naramdaman niya ito sa kanyang bunsong anak.

Wika niya, “Sobrang sarap, iyon nga ang pinagsisisihan ko noong na-feel ko kung gaano kasarap mag-alaga ng baby. Iyon ang pinagsisisihan ko na hindi ko nagawa kay Reece (eldest ni Zara) dahil busy sa work.”

Ang pagiging vlogger/influencer ni Zara ang isa sa source of income niya ngayon.

Hinggil sa ex partner niya, inilinaw ng aktres na hindi sila nagkabalikan ni Simon. After kasi ng ilang months ng paghihiwalay, madalas makita ngayong magkasama ang dalawa with their one-year-old daughter na si Sapphire, sa kanilang mga content. 

Esplika ni Zara, “Simon and I are co-parenting right now. Mas pinili kong magpatawad not for him but for myself and nakita ko kung gaano kasaya ‘yung anak namin ‘pag magkasama sila ng tatay niya.

“So, anong karapatan ko para hadlangan iyon? Yes nasaktan ako nang sobra, pero kaya kong isantabi ‘yung pain na nararamdaman ko para sa kaligayahan ng anak ko.”

Pagpapatuloy niya, “Same kay Reece noong una akong naging single mom, nakikita niya rin ‘yung papa niya. Kasi ayaw kong lumaki sila na may kulang, na hindi sila buo. Gusto ko makita nila na kahit nagkahiwalay iyong parents nila is maayos ‘yung situation. Pinaka-importante sa akin happiness ng kids ko, kasi sila ‘yung happiness ko, sila ‘yung buhay ko.

“I’m very happy na nag-reach out si Simon. I blocked him in all of my social media accounts, even his number naka-blocked … Then nagulat ako dumating siya nang walang pasabi sa condo and I accept him nang maayos. Kahit may galit ako sa kanya, hindi para bastusin ko siya kasi tatay pa rin siya ng anak ko.

“Mahal na mahal niya si Sapphire kaya roon naman ako saludo sa kanya,” mahabang pahayag ni Zara.

Anyway, congratulations kay Zara dahil pinagkalooban siya ng parangal bilang Outstanding Celebrity Vlogger of the Year mula sa Gawad Dangal Filipino Awards last June 19.

Ang event na pinamumunuan ng CEO nitong si Dr. Romeo “Room” Burlat, na kilala rin bilang award winning director, actor, at movie producer ay ginanap sa Sequoia Hotel Manila Bay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …