Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhea Tan BB Pilipinas 2024 Beautederm

Rhea Tan kokoronahan susunod na Ms. Beautéderm sa Bb. Pilipinas 2024, mga kandidata na-inspire sa kanyang success story

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATAGUMPAY ang kanilang naging partnership last year, kaya naman masayang inanunsyo ng Beautéderm founder na si Ms. Rhea Tan ang panibagong partnership with Bb. Pilipinas organization bilang official skincare partner muli ng Bb. Pilipinas.

Proud na sinalubong ni Ms. Rhea ang 40 official candidates ng Bb. Pilipinas 2024 sa Beautéderm Headquarters nitong Friday, June 14, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na i-guide ang mga kababaihan sa entrepreneurship at self-care.

“I hope this partnership will inspire and empower Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin, and whatever career path they choose to be in,” saad ng Beautéderm boss.

Dagdag ni Ms. Rhea, “Binibining Pilipinas organization has been helping women for so many years. I’m grateful for this partnership, celebrating talented, smart, and beautiful Filipinas. These young women may find inspiration and learnings from what I went through in my business journey. I am willing to share what I can and impart guidance.”

Kabilang sa ilang spotted candidates sina Bb. Baguio, Bb. Quezon City, Bb. Bacolod City, Bb. Zamboanga City, Bb. Batangas City, Bb. Negros Occidental, Bb. Quezon Province, Bb. Bukidnon, Bb. Cavite, Bb. Pampanga, at Bb. Mandaluyong.

Nagkakaisa naman ang 40 kandidata na na-inspire sila at maraming natutunan sa inilahad na success story ni Ms. Rhea sa kanyang pagnenegosyo.

Last May 22 nang pumirma ng kontrata si Tan kasama ang ilang Bb. Pilipinas executives. Kaabang-abang ang partnership na ito dahil isang malaking beauty brand ang Beautéderm.

Inanunsiyo rin ng masipag na business magnate na ang magwawagi bilang Ms. Beautéderm title ay mag-uuwi ng P500,000 worth of Beautéderm products para sa negosyo at P150,000 cash sa coronation night.

“For the Ms. Beautéderm title, we want a proud Filipina who is aspirational, confident, and has a heart for others. We cannot wait to crown the Ms. Beautéderm on coronation,” masayang pagbabahagi pa ni Ms. Rhea.

Sina DJ Jhai Ho at Darla Sauler ang nagsilbing host nang naturang kaganapan sa Beautéderm Headquarter.

Kabilang naman sa nagbigay ng entertainment dito si Joaquin Garcia at game naman na nakikanta ang 40 beauties na halatang enjoy na enjoy sa pagbisita sa Beautéderm building at sa ipinakitang hospitality ng lady boss ng Beautedern at ng mga staff nito.

Si Cassey Legaspi na isang Beautederm ambassador ay humabol sa event at naki-join kina Jhai Ho at Darla para makipagsaya at makipagkulitan sa 40 Binibini.

Tutukan ang 60th Binibining Pilipinas coronation night sa July 7, 2024 sa Araneta Coliseum with Beautéderm as the official skincare partner.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …