Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cess Garcia

Cess Garcia, game ipasilip maseselang bahagi ng kanyang katawan sa Vivamax projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HINDI pakakabog sa ibang sexy actress si Cess Garcia. Palaban kasi ang dalaga sa mga daring na love scene at nakakikiliting pasilip sa mga suki niyang manonood sa Vivamax.

Ang katakam-takam at super hot na alaga ni Ms. Len Carrillo ay tampok sa pelikulang Linya. Walang dudang tatatak siya sa isip ng mga manonood, lalo na sa mga barako kapag nasilip nila rito ang itinatagong alindog ng sexy actress.

Ang latest movie niyang ito ay streaming na ngayon sa Vivamax app. Bukod kay Cess, tampok din sa pelikulang Linya sina Sheila Snow, Anthony Davao, Chester Grecia, at VJ Vera.

Aminado si Cess na wala siyang arte sa katawan kapag nasa harap ng camera. Na kung kailangan daw na ipasilip ang kanyang maseselang bahagi ng katawan tulad ng boobs at puwet sa mga sexy projects na natotoka sa kanya, game raw siya rito.

Matapang sa hubaran si Cess, dahil trabaho lang ito para sa kanya.

Hindi raw siya mahilig mag-selfie, pahayag niya sa amin nang usisain kung may nude selfie siya.

Inamin naman ng dalaga na natutulog siya ng nude.

Nakangiting sambit ni Cess, “Yes po natutulog ako ng nude, ng walang suot na panty, lalo na kapag super lamig ang panahon. Masarap talagang matulog ng naka-nude habang umuulan.”

Si Cess ay napanood sa mga Vivamax projects na tulad ng The Influencer, An affair to Forget, Pantaxa, High on sex-2, Sila Ay Akin, Araro, Takas, Kapalit, at Linya.

Nagkuwento siya hinggil sa kanilang pelikulang Linya.

Aniya, “Ang role ko po rito ay si Gia. Siya po ay isang baristang napakatapang sa lahat ng bagay. 

Gaano siya ka-sexy sa movie na ito? “Siguro masasabi ko po na mas less sexy po ako rito, kasi more on drama po kasi ako rito sa movie.” 

Sino ang naka love scene niya rito?

“Bale, sina VJ Vere, Chester Grecia at Anthony Davao,” pakli ng sexy actress.

Bakit Linya ang title ng kanyang movie? “Naka-based po kasi siya sa nangyari sa buhay ni Gia.”

And ano sa palagay niya ang mafi-feel ng viewers kapag napanood sa Vivamax ang kanilang pelikula?

Aniya, “Feel ko po mabibitin po sila sa Linya, kasi kahit po kaming casts nabitin po dahil ang ganda po niya.”

Esplika pa ng sexy actress, “Actually, kasi po kahit kaming casts nagre-request po ng part-2 , hahaha! Kasi parang bitin po kami, hahaha!

“Kasi po sa totoo lang, kapag napanood nila ang Linya, they will want more, more na pampagana at more na pampainit, hehehe!” Nakatawang pahayag pa ni Cess.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …