Monday , December 23 2024
arrest prison

Sa City of San Jose del Monte  
4 SA 8 PUGANTE NAIBALIK NA SA SELDA

APAT sa walong preso na nakapuga sa custodial facility ng San Jose Del Monte City Police Station (SJDM CPS) sa City of San Jose del Monte, Bulacan ang muling nadakip ng pulisya, iniulat kahapon.

               Sa unang progress report mula sa San Jose del Monte CPS, dakong 2: 15 pm kamakalawa, sa patuloy na hot pursuit operation ng Intel Operatives na pinangunahan ni P/Major Ferdinand Marcos, Intel PCO, ay naaresto ang isa pang preso na nakapuga, kinilalang si Glenmir Ian Aguilar y Valdez sa Bgy. Gumaoc West, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa ikalawang progress report, dakong 9:30 pm nang maaresto si Arturo Conde y Murillo sa Brgy. Graceville, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Ilang oras matapos makapuga ang walong preso ay una nang naaresto at naibalik sa loob ng selda sina Jorency Revise y De Juan at Edcel Briones y Emberga.

Nagpapatuloy ang mga pagsisikap na madakip ang apat pang pugante na may coordinated dragnet operation at flash alarm na inisyu sa Bulacan Provincial Tactical Operations Center. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …