Friday , June 28 2024

Sa San Jose del Monte, Bulacan 
8 PRESO PUMUGA SA CITY JAIL

060324 Hataw Frontpage

ni Micka Bautista

MAHIGPIT na nagbabala sa publikokasabay ng paglulunsadng manhunt operations ang Bulacan Provicnila Police Office (PPO) laban sa walong presong nakatakas (kasama ang dalawang naibalik na sa kulungan) dakong 3:00 ng madaling araw nitong Linggo, 2 Hunyo, mula sa custodial facility ng San Jose Del Monte CPS sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang mga nakapugang person under PNP custody (PUPC) na sina Jorence Revise, 29 anyos, kasambahay, residente sa Brgy. San Pedro, San Jose del Monte, may kasong Robbery; Richard Torillos, alyas Tattoo, 46 anyos, tubong Maynila, at kasalukuyang residente sa Brgy. Grace Ville, San Jose del Monte, may mga kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591; Arturo Conde, alyas Don-Don, 40 anyos, tubong Samar, kasalukuyang residente sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte, may kasong paglabag sa RA 9165; Aaron Capa, 26 anyos, kasalukuyang residente sa Sta. Maria, Bulacan, may kasong paglabag sa RA 9165; Jose Albert Rojas, 24 anyos, tubong0Maynila, kasalukuyang residente sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte, may kasong paglabag sa RA 9165; Jeffrey Santos, 38 anyos, tubong-Maynila, kasalukuyang residente sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte, may kasong paglabag sa RA 9165; Glenmir Ian Aguilar, 42 anyos, internet installer, tubong-Maynila, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Mulawin, San Jose del Monte, may kasong paglabag sa RA 9165; at Edcel Briones, 29 anyos, residente sa Brgy. San Rafael 1, may kasong Arson.

Sina Revise at Briones ay inulat na nadakip sa mga sumunod na manhunt operations.

Nauna rito, natuklasan ang insidente ng pagtakas ng duty custodial officer ng San Jose del Monte CPS, sa isang regular na accounting/inventory ng mga detenido dakong 3:00 ng madaling araw kahapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagawang basagin ng mga tumakas na preso ang metal window rail ng Cell No. 4 gamit ang lagaring bakal.

Hindi nagtagumpay ang agarang pagsisikap na hanapin ang mga nakatakas na nag-udyok sa opisyal ng kustodiya na ipaalam sa acting chief of police ng San Jose del Monte CPS hanggang sinimulan ang mga follow-up operations.

Nagpapatuloy ang mga pagsisikap na madakip ang mga natitirang pugante sa pamamagitan ng coordinated dragnet operation, at flash alarm na inisyu sa Bulacan Provincial Tactical Operations Center.

Tiniyak ng PNP sa publiko na ang lahat ng kinakailangang hakbang ay ginagawa upang muling mahuli ang natitirang pugante upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

Hinihiling ng Bulacan PNP na makipag-ugnayan ang may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga tumakas at makipag-ugnayan sa pinakamalapit na estasyon ng pulisya o tumawag sa San Jose Del Monte CPS Hotline – 09989673210, 09985985395. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Krystall Herbal Oil

Liver spots sa mukha pinapusyaw ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

NAGTATAG  ng support group para sa mga magulang ng batang may special needs ang pamahalaang …

QC quezon city

Sa Quezon City 
5 BARANGAY, NAKATAKDANG IDEKLARANG “DRUG CLEARED”

NAKATAKDANG ideklara ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QC-ADAAC) na drug-cleared ang lima pang …

shabu drug arrest

Umihi, nanapak ng parak
TRUCK HELPER HULI SA SHABU

PATONG- PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang truck helper makaraang masita sa pag-ihi sa …

Navotas

2 teachers kabilang sa mga bagong scholar ng Navotas

DALAWANG GURO mulasa pampublikong paaralan ang kabilang sa nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs …