Sunday , May 4 2025
2024 Philracom 1st leg ng Triple Crown nakopo ng kabayong si Ghost

2024 Philracom 1st leg ng Triple Crown nakopo ng kabayong si Ghost

NAKOPO ng dehadong kabayo na si Ghost ang 2024 Philippine Racing Commission (Philracom) 1st Leg Triple Crown Stakes Race na tumakbo nitong Linggo ng gabi sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.

Bagamat huli paglabas sa aparato si Ghost na sinakyan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) – Jockey of the Year awardee John Alvin Guce habang naglalabanan sa unahan sina Worshipful Master at Bea Bell.

Nang sumapit sa kalagitnaan ng karera ay nasa hulihan pa rin si Ghost, nakihalo na si Batang Manda sa unahan kina Worshipful Master at Bea Bell.

Papalapit sa far turn ay nasa unahan pa rin si Worshipful Master habang hirap na makalampas sina Batang Manda, Bea Bell, at Added Haha.

Pagsapit ng huling kurbada ay umungos pa si Worshipful Master ng tatlong kabayo habang pilit na kumakapit nina Batang Manda at Bea Bell.

Sa huling 150 metro ng karera sa rektahan ay tinawag na ng race caller si Ghost na nasa bandang labas pero nasa tatlong kabayo pa rin ang bentaha ni Worshipful Master.

Nagsumikap si Guce sa pagremate, malalakas na hataw ng latigo ang pinatama ni Guce kay Ghost kaya sakto ang dating ng kabayo sa meta.

Dikit lang nagkatalo, nanalo si Ghost ng nguso ang pagitan sa pumangalawang si Bea Bell, tersero si Batang Manda habang pang-apat si Worshipful Master.

Itinala ni Ghost ang tiyempong 1:42 minuto sa 1,600-meter race sapat upang hamigin ng owner nito ang tumataginting na P1.5 milyong premyo habang napunta ang P562,500 sa may-ari ng pumangalawang si Bea Bell sa event na inorganisa at suportado ng Philippine Racing Commission  (Philracom) sa magiting na pamumuno ni Chairman Aurelio P. De Leon. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee …

Mark Anthony Fernandez Joms Cup Okada Manila Motorsport Carnivale 2025

Jomari nang makulong sa ilegal na pangangarera — That started my advocacy for road safety and to promote legal racers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BATAMBATA pa si Jomari Yllana nang mahiligan ang pangangarera, Gwaping days pa ‘ika niya. Sa …

Ronald Dableo Chess

Dableo, pangalawa sa Sydney standard tournament

NAGTAPOS bilang ikalawa si International Master Ronald Dableo ng Filipinas sa Sydney International Open 2025 …

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PORMAL nang ipinahayag ng MVP Group, na pinamumunuan ni chairman at matatag na tagasuporta ng …