Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aica Veloso Jenn Rosa Cariz Manzano

Aica Veloso, rated 10 kaseksihan at pagiging daring sa pelikulang Kulong

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang sexy actress na Aica Veloso na sumabak siya sa mga maiinit na love scene sa kanilang bagong pelikula sa Vivamax. Ibinida ng aktres na rated 10 ang masisilip sa kanya rito.

Si Aica ay gumaganap dito bilang si Love at hindi dapat palagpasin ang mga nakakakikiliting love scene na ginawa niya rito sa pelikula nila na tinatampukan din nina Jenn Rosa at Cariz Manzano.

Aniya, “I would say 10/10 ang kaseksihan na ginawa ko rito, I gave all the efforts, different perfect angles, unbelievable scenes… daring scenes. 

“Kaya I’m so thankful to ate Jenn, kasi she guided me, she’s always asking me if I’m good to this and that, I would say she’s one of the best Viva stars I worked with.” 

Nagkuwento pa ang hot na hot na dalaga hinggil sa movie nila.

Wika ni Aica, “Ako si Love sa movie, isa siyang introvert na babae but kapag kasama niya ang friends niyang sila Tisay at Minerva ay nagiging extrovert siya sapagkat sobrang tatagal na nilang magkakaibigan.

“So, hindi na po ako mag-spoil sa aming movie, pero alam kong walang madi-dissapoint na viewers nito, I swear to God po.”

Nalaman din namin kay Aica na sa kapwa niya babae at sa isang actor siya rito nakipag-love scenes.

Sambit pa ni Aica, “Iyong love scene namin ni Jenn, tuloy-tuloy and smooth, but ang narinig ko talaga na sinabi niya kay direk is kinilabutan daw siya after that most awaited scene namin, hahaha!

“I was really shocked rin eh, like ako ba ito? Kinaya ko pala yung ganito kagandang scene namin ni Jenn. like, OMG!

“So rito sa movie, palagay ko ay hahanap-hanapin ng viewers iyong Jenn Rosa at Aica Veloso na GL (Girls Love) palagi.”

Pahabol pa ng sexy actress na talent ni Jojo Veloso, “So sabi ko nga ayaw ko mag-spoiler alert, kaya hindi na ako masyadong magkukuwento… Pero this movie is a must watch, solid! Sure na sure po, hindi namin bibitinin ang viewers ng Kulong!” 

Sa babae lang ba siya may love scene? “Hindi po, bukod kay Jenn, may love scene rin kami ng isang actor,” tugon niya.

Kamusta ang love scenes nila and saan siya mas nag-enjoy?

“Sa babae po at si Jenn ang pinaka-solid and walang arte. Umaapoy po  rito si Jenn, umaapoy ang lampungan namin dito ni Jenn, hahaha!

“Sa GL ng VMX, kami pa lang nakakagawa ng ganitong love scene ni Jenn. Kaya sure na mag-iinit ang viewers sa movie namin… Hindi lang siguro mag-iinit, sure na gaganahan sila at mapapanaginipan nila yung love scene namin ni Jenn dito, hahahaha!” Nakatawang pakli pa ni Aica.

Sa Kulong, makikita ang tatlong aspiring screenwriters na magpapakawala ng kanilang alindog dito. Gagampanan nina Jenn, Cariz, at Aica ang papel ng tatlong magkakaibigan na sina Minerva, Tisay, at Love.

Para makapag-focus sila sa pagsusulat, tumuloy ang tatlo sa isang private resort. Pero hindi pala katahimikan ang kanilang kailangan, kundi karanasan. At iyon ang malaking problema dahil lahat sila ay clueless pagdating sa sex. Ilang taon na ring single sina Minerva at Tisay, habang virgin pa rin si Love.

Sobrang lakas ng hatak ng Vivamax sexy star na si Aica sa mga kalalakihan. With matching facial expression, sa mukha pa lang niya ay maraming boys na agad ang magwawater-water sa kanya. Kaya dapat abangan ang pelikula nilang Kulong.

Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Sigrid Polon, tampok din dito sina JD Aguas, Ralph Engle, Ghion Espinosa, at iba pa. 

Mapapanood na sa Vivamax app ang pelikula sa May 24, 2024.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …