Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea Bell tampok sa PHILRACOM

Manila — Tampok ang kabayong si Bea Bell sa pagtulak ng Philracom (Philippine Racing Commission) Rating Based Handicapping System Race sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas ngayong Biyernes.

Nakatutok lahat kay Bea Bell dahil siya ang napipisil ng tatlong karera tipsters sa programa kaya asahang makakukuha ng maraming benta paglarga ng karera sa unang race.

Si dating Philippine Sportswriters Association (PSA) – Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang sasakay kay Bea Bell na nasa Bell Racing Stable na pag-aari ni Elmer De Leon.

Si De Leon ang ama ng sikat na volleyball player na si Bea.

May distansiyang 1,200 metro, makakatagisan ng bilis ni Bea Bell sina Marilag, Creation Of Adam, Saratoga Chrome, Dazzlingab, Batang Cabrera at Front Runner.

Nakalaan ang P15,000 added prize na ikakalat sa unang tatlong kabayong tatawid sa meta, habang may karagdagang P11,000 para sa winning horse owner.

Tatanggap ng P4,500 ang breeder ng mananalong kabayo habang P1,000 at P500 ang second at third, ayon sa pagkakasunod. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …