Tuesday , April 15 2025
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa ng mga awtoridad hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 1 Mayo, sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nagkasa ng warrant of arrest ang tracker team ng Marilao MPS laban kay alyas Carlito, 39-anyos construction worker na nakatala bilang No. 3 most wanted person (MWP) sa municipal level ng Marilao, sa kasong paglabag sa Art. II Sec. 12 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerours Drugs Act of 2002, na inisyu ng San Jose del Monte RTC Branch 77.

Kasunod nito, nagsagawa ng search warrant ang mga awtoridad sa Brgy. Pajo, sa lungsod ng Meycauayan, na inisyu ng Executive Judge ng  Meycauayan City MTC Branch 1, laban sa suspek na kinilalang si alyas John na nasamsaman ng isang kalibre .38 revolver na may tatlong bala.

Samantala, arestado ang dalawang lalaking suspek matapos magnakaw ng motorsiklo sa lungsod din ng Meycauayan, nitong Martes ng madaling araw, 29 Abril.

Tinangka pang tumakas ng mga suspek ngunit naharang ng mga pulis sa isinagawang Oplan Sita operation sa Brgy. Perez.

Kabilang sa mga narekober ang dalawang motorsiklo at isang baril na inilagak sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa ballistic examinations, habang mga reklamong kriminal laban sa mga suspek ay inihain para sa karagdagang legal na aksiyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …