Monday , December 23 2024

Army Major pinasok, sa sariling opisina pinagbabaril, patay

042224 Hataw Frontpage

ni MICKA BAUTISTA

ISANG opisyal ng Philippine Army ang pinasok sa loob ng kanyang opisina at pinagbabaril ng nag-iisang lalaking sakay ng motorsiklo sa Brgy. Marungko, sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 20 Abril.

Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktima na si Major Dennis Moreno, 41 anyos, may asawa, miyembro ng Philippine Army na kasalukuyang nakatalaga sa AFP-RESCOM General Headquarters, at residente sa Brgy. San Roque, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa salaysay ng sekretarya ng biktima na nakasaksi sa insidente, dakong 5:45 pm kamakalawa habang nasa loob ng kanyang opisinang SEM278 Enterprise sa Brgy. Marungko si Major Moreno, nang biglang pasukin ng hindi kilalang suspek saka pinaulanan ng bala gamit ang maikling baril.

Agad isinugod ang biktima sa Twin Care Hospital upang malapatan ng lunas ngunit idineklarang wala nang buhay ng attending physician na si Dr. Sherelyn Trandia.

Samantala, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang itim na motorsiklo patungo sa hindi malamang destinasyon na ngayon ay sentro ng manhunt operation ng pulisya.

Kasunod nito, nagpatupad ng flash alarm ang Bulacan PNP at nagsagawa ng dragnet operation upang matunton ang suspek habang iprinoseso ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team mula sa Regional Forensic Unit 3 ang pinangyarihan ng krimen at nangalap ng ebidensya.

Bumuo rin ang Bulacan PNP ng special investigation task group upang imbestigahan ang insidente at hinimok ang publiko may alam na impormasyon tungkol sa insidente na lumapit at tumulong sa isinasagawang imbestigasyon.

About Micka Bautista

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …