Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang

Benz Sangalang, kaabang-abang ang mga pelikula ngayong 2024

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ITINUTURING ng hunk actor na si Benz Sangalang na tatlo ang mahahalagang proyektong nagawa niya so far ang Sitio Diablo, Hugot, at Salakab. Nabanggit ni Benz ang kanyang rason.

Esplika niya, “Sitio Diablo, kasi roon ako unang napansin sa acting. Hindi ko naman alam din sa sarili ko kung effective akong kontrabida, so, roon ko napatunayan na puwede naman pala. Tapos iyong Hugot ni Direk Daniel Palacio, kasi unang lead role ko iyon, bidang-bida na talaga ako roon.

“At saka iyong movie na Salakab, kasi iyon ang pinakamahirap na ginawa ko pagdating sa acting. Kasi heavy drama iyon, e. Si Direk Roman Perez ang direktor ko roon at ang leading lady ay si Angeli Khang.”

Kaabang-abang din ang mga naka-line up sa kanyang project ngayong taon.

Aniya, “Kasi, kung mag-build ang Viva, talagang nakaplano iyan, e. Tulad ngayon, pili na ang mga project ko, hindi na lahat nang kumukuha sa akin ay ibinibigay nila ako. Parang kung magmamarka lang o kaya ay maganda talaga ang istorya para sa akin, doon, ibinibigay nila ako.

“Lalo na noong nag-renew ako ng contract sa Viva, talagang tinitingnan nila ‘yung project at hindi lang ‘yung basta magka-project lang po ako.”

Wika pa ni Benz, “Itong pinakabagong gagawin kong movie, itong Balinsasayaw, dalawa ang leading lady ko sa movie pero apat na babae rito ang may love scenes ako. Kaabang-abang na project po ito.”

This year din ay posibleng magawa ni Benz ang kanyang pinaka-challenging na proyekto bilang aktor. Ito’y sa pamamagitan ng Kaldag King o Boy Kaldag na pamamahalaan ni Direk Roman.

Paliwanag ni Benz, “Parang ito na talaga ang ikino-consider nina Boss na launching ko, pinagaganda talaga ang script at paiingayin daw nila ang movie. Tapos ay magkakaroon ng cameo role ang mga A-Listers ni Tito Jojo Veloso.”

Kaya naman daw lalo niyang iniingatan nang todo ang kanyang katawan pagdating sa diet, pati na ang regular na pagpunta sa gym. “More on gulay lang ako sa food, tapos kung mag-gym ako ay almost twice a day, na one and a half hours pareho. Halos araw-araw ako sa gym, tapos nagba-basketball pa ako.

“So, compared last year na nag-focus ako sa acting ko, ngayon ay mas focus ako sa pagto-tone, sa pag-i-slim down ng katawan ko,” pakli pa ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …