Friday , April 18 2025
Bulacan Police PNP

Sugalan, batakan sinalakay, 22 suspek tiklo

ARESTADO ang aabot sa 22 indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa iba’t ibang operasyon laban sa kriminalidad na isinagawa ng mga tauhan ng Bulacan PNP hanggang nitong Linggo ng umaga, 31 Marso.

Batay sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nagkasa ng buybust operations ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Pulilan, Norzagaray, Balagtas, at Angat MPS na nagresulta sa pagkakadakip ng limang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga.

Nakumpiska sa operasyon ang kabuuang 18 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 4.23 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P28,764, drug paraphernalia, at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang pagsusuri, habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa laban sa mga suspek sa hukuman.

Samantala sa inilatag na anti-illegal gambling operation ng San Jose del Monte, Bocaue, at Bustos C/MPS, nadakip ang 17 kataong sangkot sa ilegal na sugal.

Huli sa akto ang mga suspek sa pagsusugal ng cara y cruz, illegal drop ball, cards, at color game.

Nasamsam mula sa suspek ang anim na piraso ng pisong barya na ginamit bilang panggara, kahoy na drop balls, baraha, at kahoy na color game na may dice), at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Kasalukuyang nas kustodiya ng kani-kanilang mga arresting station ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …