Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Paulo Avelino Whats Wrong With Secretary Kim

Kim Chiu at Paulo Avelino tiniyak na kargado sa kilig, seryeng What’s Wrong With Secretary Kim 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PANGMALAKASANG chemistry ang makikita kina Kim Chiu at Paulo Avelino sa local adaptation ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim” na eksklusibong mapapanood sa Viu simula sa Lunes, 18 Marso. 

Tiniyak ng dalawa na siksik sa kilig at good vibes ang mapapanood sa kauna-unahan nilang romcom serye bilang kanilang mga karakter na sina Secretary Kim (Kim) at Brandon Manansala Castillo o BMC (Paulo).

Sambit ni Kim, “It’s a combination of kilig, romance, family, friendship, about ambition and dreams. After you watch the show, feel-good lang. Something to smile about. We promised them na hindi sila mabibigo.”

Wika naman ni Paulo, “This one’s gonna be really different. Kung naghahanap kayo ng magpapasaya, magpapatawa, at magpapakilig sa inyo, ito ‘yung palabas na dapat ninyong subaybayan.

“Coming from a very heavy and serious characters, I’m happy to be given a chance to play a role like this. Nakaka-excite.”

Bukod sa umaapaw na kilig, ang aabangan din sa bagong serye nina Kim at Paulo ay ang tatak Pinoy na mapapanood dito.

Ipinahayag ng aktres na makare-relate ang mga manonood sa Viu original adaptation dahil ipapakita rito ang kultura ng mga Filipino.

Lahad ni Kim, “As proud Pinoy, maraming inilagay ang writers namin and everyone involved sa paggawa ng ‘Secretary Kim’ the Philippine version.

“Maraming Filipino touch such as family oriented or ‘yung mga more comedy side. Actually, kapag pinanood mo siya side by side, medyo parehas siya (sa Korean counterpart). Pero ‘yung story namin is more Filipino and mas nakare-relate iyong karamihan,” sabi pa ni Kim sa mediacon para sa serye.

Pakli naman ni Paulo, “There’s always pressure whenever you do an adaptation. But what we did was to stick to the script and be true to our culture to show how well we can do it as Filipinos.”

Ayon pa kay Kim, proud siya sa kanilang ginawang serye.

Wika ng aktres, “Siyempre sobrang nakakakaba (itong bagong serye namin), but at the same time ay very thankful sa ibinigay na opportunity ng Viu, ng Dreamscape and everyone else.

“So, habang ginagawa namin ang adaptation na ito, parang it doesn’t feel like work. Tapos when we see the outcome…  parang nakaka-proud, parang… ‘Ay ang saya, nagawa ng mga Pinoy ang ganitong klase.’ Na puwede tayong makipagbasayan sa Korea.

“So, nakaka-proud and were very happy for the outcome ng palabas na ito. Of course, excited at very happy, iyon ang masasabi ko.”

Inamin din ni Paulo na kaya niya tinanggap ang What’s Wrong With Secretary Kim? ay dahil kay Kim.

Anang aktor, “I think if it was offered to me and if it wasn’t Kim, I would probably have second thoughts.

“Siguro, itong Secretary Kim… dahil sa pagmamahal ko bilang katrabaho ka at sa trabahong ibinigay mo sa Linlang so, pangbawi sa iyo. So I’m here at Secretary Kim to give back,” pakli pa niya kay Kim.

Kasama rin sa serye sina Jake Cuenca, Janice De Belen, Romnick Sarmenta, Angeline Quinto, Pepe Herrera, Franco Laurel, JC Alcantara, Kaori Oinuma, Gillian Vicencio, Yves Flores, Cai Cortez, Phi Palmos, Kat Galang, at Brian Sy.

Mayroon din ditong special participation ni Kim Won Shik. 

Mula sa direksiyon ni Chad V. Vidanes, sinusundan ng “What’s Wrong With Secretary Kim” ang kuwento ng mahusay na sektretarya na si secretary Kim at ang perpekto niyang boss na si BMC.

Unti-unti nilang madidiskubre na in-love sila sa isa’t isa nang biglang mag-resign si secretary Kim mula sa kanyang posisyon. 

Ang What’s Wrong With Secretary Kim ay eksklusibong mapapanood sa Viu simula Marso 18 kapag i-download ang Viu app o bisitahin ang www.viu.com.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …