Monday , December 23 2024
Bong Go Joel Villanueva Daniel Fernando Alexis Castro

Sa Barangay Igulot, Bocaue,Bulacan
IKA-161 MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA JONI VILLANUEVA GENERAL HOSPITAL

LUNGSOD NG MALOLOS – Upang makapagbigay ng accessible na serbisyong pangkalusugan at suporta sa mga Bulakenyo, pinangunahan nina Senador Christopher Lawrence “Bong Go, Senador Joel “Tesdaman” Villanueva kasama sina Gobernador Daniel R. Fernando, at Bise Gob. Alexis C. Castro ang pagbubukas ng ika-161 Malasakit Center sa Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga.

Layong magsilbi bilang one-stop shop sa mga ahensiya kabilang ang PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Department of Social Welfare and Development (DSWD), magkakaloob ang Malasakit Center ng tulong medikal at pinansiyal sa mga kapos-palad na pasyente nang hindi na kinakailangan pang umalis sa ospital upang ma-access ang mga serbisyo ng mga nabanggit na ahensiya.

Ipinaabot ni Fernando ang kanyang pasasalamat kina senators Go at Villanueva at sa lahat ng mga taong nasa likod ng pagkakatayo ng ika-apat na Malasakit Center sa lalawigan.

“Ang center na ito ay nagpapatunay sa ating kolektibong adhikain na magbigay ng mas abot-kamay, abot-kaya at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat. Access to healthcare is a fundamental human right, and it is our duty as public servants to ensure that this right is upheld for every Bulakenyo,” anang gobernador.

Samantala, dinalohan din ang paglulunsad ng mga opisyal ng Department of Health (DoH) kabilang sina ASec. Ariel Valencia, USec. Maria Rosario Singh-Vergeire, USec. Emmie Liza Perez-Chiong, Director Girlie Velozo, Regional Director Corazon I. Flores; Congressman Ambrosio Cruz, Bocaue Mayor Eduardo Villanueva, Jr., at Bocaue Vice Mayor Abgd. Sherwin Tugna; Dr. Renely Tungol, Medical Center Chief ng Joni Villanueva General Hospital; at iba pang mga kinatawan mula sa mga katuwang na ahensiya. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …