Thursday , May 8 2025

2 motor nagbanggaan
3-ANYOS NENE PATAY, MAGULANG SUGATAN

NAGBUWIS ng buhay ang isang batang babae habang sugatan ang kanyang mga magulang sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Santa Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw, Linggo, 10 Marso 2024.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PNP, kinilala ang biktima na si Margaux Alyson Verana, 3 anyos, habang ang kanyang mga magulang, napinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang sina Ronrick Verana at ang live-in partner na si Lalaine Llabore.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng Santa Maria MPS, nabangga ng isang berdeng motorsiklo na Euro Viperman 150, walang plaka, minamaneho ni Ephraim Mungcal ang sinsasakyang motorsiklo ng mga biktima, isang kulay abong Honda Click 125, may plakang 328CPW, dakong 12:17 am.

Nabatid sa ulat, naganap ang insidente sa crossing malapit sa Waltermart sa Barangay Santa Clara, Santa Maria, Bulacan.

Isinugod sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital (RMMMH) sa nasabing bayan ang bata at ang kanyang mga magulang ngunit kalaunan ay binawian ng buhay ang paslit.

Si Mungcal ay inilagay sa kustodiya ng Sta Maria MPS at nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, at damage to properties. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Abby Binay Pammy Zamora

Kaugnay ng sinabing vote buying sa campaign rally  
Binay, Zamora, inireklamo sa COMELEC

ISANG reklamo ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kina Makati Mayor at tumatakbong …

Blind Item, Gay For Pay Money

Principal, faculty president nagkompirma ng payout para sa Marikina public school teachers

KINOMPIRMA ng isang principal at faculty president ang payout sa Marikina City public school teachers …

Marikina

Tao ni Quimbo, nagsampa ng kaso vs Teodoro

TAO at masugid na tagasuporta ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagsampa ng …